Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Susunod: Edisyon para sa Mag-aaralHalimbawa

What's Next: Student Edition

ARAW 6 NG 7

Pagkakasala vs. Pananalig
Ngayong ikaw ay nabubuhay para sa Diyos maaring mapansin mong may kakaiba kang nararamdaman pagkatapos gumawa ng mga maling bagay. Ito ang espiritu na nagdudulot ng pagiging sensitibo mo sa mga bagay na tama o mali, o maganda o pangit. Mahalagang maunawaan ang mga bagay na mula sa Diyos at mga damdaming hindi.
Sa mga talatang nabasa mo ngayon, ang mga tao ay may iba't-ibang tugon sa Diyos. Pagkatapos magkasala ni Adan at Eva, nagtago sila mula sa Diyos, at umiwas sa Kanya. Matapos magkasala ni David mula sa Diyos, sinamba niya ang Diyos, at umiyak sa Diyos. Nakadama si Adan at Eva na sila ay makasalanan. Nadama ni David ang pananalig.
Ito ang pagkakaiba ng pagkakasala at pananalig. Matapos mong makagawa ng anumang hindi mo dapat gawin, ang pakiramdam ng pagkakasala ay magdudulot sa iyo na lumayo sa Diyos at tumalikod sa Kanya. Gaya ng "Hindi ako karapat-dapat", "Lagi akong nagkakamali", o "Pagod na ang Diyos sa lahat ng ito". Subalit ang pananalig ay iba mula rito. Sa pagkakamali mo, ang pananalig ay hahatak sa'yo palapit sa Diyos.
Ang pagkakaramdam ng guilt ay hindi mula sa Diyos, ayaw Niyang mapahiwalay sa iyo. Nais Niyang makadama ka ng conviction matapos magkamali na magdudulot na mapalapit sa Kanya.
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

What's Next: Student Edition

Sa 7-araw na batayang planong ito, tuklasin sa Salita ng Diyos kung sino ang Diyos at sino ka Niya nilikha.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa planong ito. Para sa dagdag kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church