Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John PiperHalimbawa

Live By The Spirit: Devotions With John Piper

ARAW 6 NG 7

Tinutulungan Tayo ng Banal na Espiritu na Mamatay

Kung ikaw ay iniinsulto alang-alang sa pangalan ni Cristo, pinagpala ka, dahil ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nasa sa iyo. —1 Pedro 4:14

Sinasabi sa atin ni Corrie ten Boom na nag-aalala siya noong bata pa siya kung paano siya maninindigan bilang isang batang babae laban sa mga Aleman kung siya ay maharap sa panganib. Nanghihina siya kapag naiisip niya kung anong maaaring mangyari. Ang kanyang ama, sa palagay ko, ang nagbigay sa kanya ng magandang paglalarawan. Sinabi nito, "Kapag magbibiyahe ka sakay sa tren, ibinibigay ko ba sa iyo ang tiket mo tatlong linggo bago ito o kapag pasakay ka na sa tren?" Sumagot siya, "Kapag pasakay na ako sa tren." "Kaya ibibigay sa iyo ng Diyos ang espesyal na kalakasang kailangan mo upang maging malakas sa harap ng kamatayan kung kailan mo ito kailangan, hindi bago ito."

Naniniwala akong ang 1 Pedro 4:14 ay nangangakong sa oras ng pinakamatinding pagsubok ay darating ang Diyos sa Kanyang mga anak upang bigyan sila ng kalakasan ng loob at ng pananampalatayang hindi nila alam na mayroon sila. Tutulungan ka ng Banal na Espiritu upang mamatay.

Sinasabi sa tradisyon na si Pablo ay pinapugutan ng ulo ni Nero. Ang pinakahuling liham ni Pablo ay malamang na ang 2 Timoteo. Ang kanyang pagsubok ay nagsimula na. Ilarawan ang dating sundalo, napinsala dahil sa pakikipaglaban para sa kanyang Pinuno, nakakulong sa Roma. Ipinatawag siya sa korte. Batid ng lahat na nabibilang na ang kanyang mga araw. Pinupuntirya na siya. Kaya wala na siyang kaibigan sa tabi niya. Ibinigay niya ang kanyang depensa. Ang desisyon ay ginawa upang pakinggan siyang muli—at pagkatapos ay ang katapusan. Bumalik siya sa kanyang kulungan at isinulat ang mga salitang ito kay Timoteo (2 Timoteo 4:16-17), "Sa unang pagharap ko sa hukuman ay walang sumama sa akin; pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos. Ngunit sinamahan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas."

Panalangin ko na matatandaan mo ang mga salitang ito: tutulungan kang mamatay ng Banal na Espiritu. Nariyan Siya sa tabi mo kahit walang ibang gagawa nito. Pananatiliin Niya ang iyong pananampalataya. Bibigyan ka Niya ng banaag ng kaluwalhatian. Madadakila si Cristo sa iyong kamatayan. Ang kalakasan ng loob na hindi mo akalaing posible ay mapapasaiyo. Ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay mapapasaiyo at ihahatid ka.

Higit pang kaalaman:http://www.desiringgod.org/messages/the-holy-spirit-will-help-you-die

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Live By The Spirit: Devotions With John Piper

7 Debosyonal na Babasahin mula Kay John Piper Tungkol sa Banal na Espiritu

More

Nais naming pasalamatan si John Piper at ang Desiring God sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.desiringgod.org/