PamamanhidHalimbawa
Sa huli, kilalanin ang lugar ng iyong sakit na nagdulot sa iyo ng pagkakaroon ng karamdaman. Huwag itong takasan, kundi harapin ito. Humiling sa Diyos na buhayin ang mga lugar na iyon ng lubos. May mga kalungkutan sa buhay na maaari lamang pagalingin sa pamamagitan ng kamay ng Diyos mismo. Katulad ng isang duktor, Siya lamang ang nakakaalam kung paano ka i-diagnose at bigyan ng tamang gamot. Alam ng Diyos kung paano nagsimula ang sakit, at gaano na katagal mo itong iniinda. Alam Niya gaano kalalim ang sugat, at alam Niya nang eksakto kung bakit ito nauubos ngayon.
Huwag matakot na maging bukas sa Kanyang harap kundi ipakita sa Kanya kung saan ka nasasaktan at humingi ng tulong. Ang Espiritu ng Diyos ay isang Tagapagpagaan at Siya ay ating Tulong. May Kanyang mga bisig bukas para sa iyo. Hayaan mong ipakita sa iyo kung paano Niya maaring buhayin ang bagay na tila nasira. Pabayaan mo Siyang pumasok sa iyong buhay ngayon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ako ba'y walang karamdaman sa buhay? Sa mga susunod na 7 araw, alamin kung paano makakuha ng mga susi para buksan ang isang masidhing buhay na ipinamumuhay para kay Cristo muli.
More
Nais naming pasalamatan si Vanessa Bryan sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://rhema-reason.com/