Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PaghihintayHalimbawa

Paghihintay

ARAW 5 NG 7

Puwede bang i-celebrate ang trials?

Busy ka na ba this week sa mga Christmas gatherings at celebrations? Masaya mag-celebrate, hindi ba? Baka nagsa-shopping ka na ng mga pang-regalo sa mga anak, pamangkin, at mga inaanak. Or naghahanda ka na ng mga dessert na ipapakain sa pamilya sa Christmas Eve o Christmas Day. Ano ba ang favorite aspect mo ng pag-celebrate ng Christmas?

Pero paano kung hindi lahat ay maganda sa life mo during this season? Paano kung may mga pagsubok kang pinagdadaanan? Makaka-celebrate ka pa ba nang maayos? Ang hirap pag ganoon, di ba?

May isang taon na medyo nahirapan kaming mag-asawa na maging maligaya sa Christmas holidays. Iyon ang year kung saan may pinagdadaanan kami sa aming communication at connection as a couple. Nag-celebrate pa rin kami at pinagpatuloy ang mga traditions ng pamilya, pero nag-dedicate talaga kami ng time na mag-usap at mag-process. At hindi lahat ng conversations na ito ay comfortable.

Looking back, mahirap ang panahong iyon. But we’re happy na nalampasan namin ito at mas naging matibay pa ang aming relasyon.

Alam mo bang normal lang sa life ang dumaan sa pagsubok? Hindi lahat ng mangyayari sa atin ay maganda; minsan may konting hirap; minsan may malaking problema. Pero alam mo ba kung ano ang nakasulat sa Bible about sa pagsubok?

Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa kanya. (Santiago 1:12 ASND)

Nakikita mo ba? We can look forward sa reward kapag nanatili tayong matatag sa kabila ng mga pagsubok. Of course, hindi ito madali, kaya feel free na tumawag sa Kanya at humingi ng tulong.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Paghihintay

7-day Reading Plan Patungkol sa Paghihintay

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day