Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PagmamahalHalimbawa

Pagmamahal

ARAW 1 NG 7

Pag-ibig ni God: ramdam mo ba?đŸ„°

Dahil February ngayon, ang series natin for this week ay “Pagmamahal,” where today’s topic is about God’s love.

Malamang, alam mo nang si Lord ay may perfect love para sa atin (1 John 4:18). Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito para sa atin ngayon?

Ang salitang "perpekto" ay nangangahulugang kumpleto—ibig sabihin, walang kulang, walang mali, walang nawawala. Paano kaya ito mangyayari? Sometimes, we view love from the perspective of other people na may pagkakamali, at ang mapanghusga sa atin ay nagsasabing, "Walang ganung klaseng pag-ibig!”

Pero ang pag-ibig na ito ay nanggagaling mismo kay God, ibig sabihin, the source of this is divine—hindi ito maaapektuhan ng anumang bagay na nilikha! Wala kang kayang gawin na magpapalakas pa ng pagmamahal Niya sa'yo kaysa sa pagmamahal Niya sa ngayon, at wala kang kayang gawin o hindi gawin na makakabawas sa pag-ibig na ‘yon!

Isa pang ibig sabihin ng “perpekto” ay wala nang paraan para ito’y mapabuti pa. Dahil Siya ang Perpektong Pag-ibig—there is no room for comparison or ranking. Kaya pala bawat isa sa atin puwedeng magsabi, "Ako ang paborito Mo, Lord!”

Sabihin mo ito ng malakas, “Ako ang paborito Mo, Lord!”

At alam mo, ito rin ang parehong pag-ibig na inilagay Niya sa'yo nung ikaw ay ipinanganak muli! Walang ganung bagay na nagsasabing “#1 si God sa buhay ko”—Siya na mismo ang Buhay mo! (John 14:6)

Ang bagong puso na ibinigay Niya sa’yo ay sumisigaw para sa Kanya, dahil ang perpektong pag-ibig Niya sa'yo ay siya ring pag-ibig na nasa’yo at bumabalik sa Kanya. Isn’t that perfect?

Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Pagmamahal

7-day Reading Plan Patungkol sa Pagmamahal

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day