Ang 7 Last Words Ni JesusHalimbawa

Nahirapan ka bang magpatawad? š
Ngayong Holy Week, pag-usapan natin ang 7 Last Words ni Jesus, o ang mga sinabi Niya sa mga huling sandali ng buhay Niya sa mundong ito. Halos lahat ng ito ay nangyari habang Siya ay nakapako sa krus, at sanaāy mabigyan tayo ng mas malaking paglalarawan sa pagkatao ni Jesus.
Narito ang unang tingnan natin:
"Father, forgive them, for they do not know what they do." (Luke 23:34)
Can you imagine all that Jesus went through on that day? Hinuli Siya sa hatinggabi, pinagbintangan ng kung anu-anong kasalanan, sentenced to a brutal scourging, and lastly, he was nailed to the cross. Kung tayo siguro ang nasa lugar Niya, it would be totally understandable to feel angry, and even to hate those who did those things to us.
Pero iba si Jesus. Sa halip na magalit, nakuha pa Niyang ipanalangin sa Kanyang Ama ang Kanyang mga kaaway, na patawarin sila dahil hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa.
Mahirap intindihin ang ganitong klaseng pagmamahal. Pero kapag tiningnan natin ang napakalaking puso ni Jesus na nagpatawad sa lahat ng nagkasala sa Kanya, ito din ang makapagbibigay-lakas sa atin na patawarin ang mga taong nagkasala sa atin.
May maiisip ka ba ngayon na kahit isang tao lang na alam mong kailangan mong patawarin pero nahihirapan ka? Ipagdasal natin ito kay Jesus: āJesus, tulungan Mo akong patawarin si _____, gaya ng pagpapatawad Mo sa lahat ng nagkasala sa Iyo. Tulad ng ipinalangin Mo, turuan Mo akong patawarin sila dahil maaaring hindi din nila alam ang kanilang ginagawa. In Jesusā name, Amen.ā
Tandaan mo, isa kang miracle!
Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa 7 Last Words Ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Alay Ni Jesus

Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili

Ini-Enjoy Ka Ni God

Generosity
New Blue Jeans Reading Plan

Buhay Si Jesus!

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

Walang Katulad Si Jesus
