Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa
Nagsimula ang kwento ni Eliseo sa 1 Mga Hari 19:14-21 sa paghirang ng Diyos kay Eliseo kapalit ni Elias. Sa talatang ito nabasa natin na natagpuan ni Elias si Eliseo na nagaararo kaagapay ang isang pares ng toro at pagdaan nito ay nilagyan ng balabal bilang imbitasyong sumunod sa kanya. Dali-daling sumunod si Eliseo at ginamit na panggatong ang mga pamatok at mga araro sa pagluluto ng torong ipinakain sa mga kaibigan. Nagpakita si Eliseo ng nakakatawang dedikasyon kay Elias. Hindi siya nag-atubiling sumunod. Hindi niya kinailangang pagmuni-munihan ang desisyon. Hindi niya tinimbang ang kabutihan at kasamaan ng paanyaya. Hindi siya naniguro. Kagyat siyang umoo sa panawagan ng Diyos sa pamamagitan ni Elias.
Ipinakita ng masidhing pagsunod ni Eliseo na malaki ang katumbas ng pagtalima sa Diyos, subalit mas malaki ang kabayaran ng hindi pagsunod sa Kanya. Higit pa dito, buong-buo ang pagsunod ni Eliseo. Pinanggatong niya ang mga araro, pinatay ang toro, at iniwan ang mana mula sa pamilya. Tinalikuran niyang lahat ang kakilala at minamahal. Ipinakita sa atin ni Eliseo na sa paghakbang papunta sa ating tadhana, kinakailangan humakbang palayo sa mga bagay na nakasanayan na. Kagyat at buo ba ang pagtalima mo sa Diyos gaya ni Eliseo? Anong mga nakasanayan na ang dapat mong iwan para matunghayan ang iyong kapalaran?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.
More
We would like to thank Pastor Craig Groeschel and LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv