Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Resulta ng Paghahanap

Mga Awit 61:6 (RTPV05)

Ang buhay ng hari sana'y pahabain; bayaang ang buhay niya'y patagalin!

Mga Awit 34:12 (RTPV05)

Sinong may gusto ng mahabang buhay; sinong may nais ng masaganang buhay?

Mga Awit 21:4 (RTPV05)

Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay, ng mahabang buhay, na magpakailanman.

Juan 1:4 (RTPV05)

sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.

Mga Awit 39:5 (RTPV05)

Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay, sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan; ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah)

Deuteronomio 5:26 (RTPV05)

Sinong tao ang nanatiling buháy matapos marinig mula sa apoy ang tinig ng Diyos na buháy?

Mga Taga-Galacia 5:25 (RTPV05)

Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay.

Levitico 24:18 (RTPV05)

Kung hayop naman ang pinatay niya, papalitan niya iyon; kapag buhay ang inutang buhay rin ang kabayaran.

Deuteronomio 28:66 (RTPV05)

Laging manganganib ang inyong buhay. Araw at gabi'y paghaharian kayo ng takot at walang katiyakan ang buhay.

Job 11:17 (RTPV05)

Magliliwanag ang iyong buhay, higit pa sa sikat ng araw, ang buhay mong nagdilim ay magbubukang-liwayway.

Mga Awit 71:7 (RTPV05)

Sa marami ang buhay ko ay buhay na mahiwaga, malakas kang katulong ko na di nila maunawa;

Lucas 20:38 (RTPV05)

Kaya't ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buháy, sa kanya'y buháy ang lahat.”

Juan 10:10 (RTPV05)

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.

Exodo 21:23 (RTPV05)

Ngunit kung may iba pang pinsalang tinamo ang babae, paparusahan ang nakasakit: buhay din ang kabayaran sa buhay,

Deuteronomio 12:23 (RTPV05)

Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin.

Levitico 17:11 (RTPV05)

Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay.

Juan 6:63 (RTPV05)

Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay.

Lucas 18:30 (RTPV05)

tatanggap siya ng higit pa sa buhay na ito. At sa panahong darating, tatanggap pa siya ng buhay na walang hanggan.”

Genesis 44:30 (RTPV05)

“Ang buhay po ng aming ama ay karugtong na ng buhay ng bata, kaya kung babalik kami na hindi ito kasama,

Juan 6:48 (RTPV05)

Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay.

Lucas 17:33 (RTPV05)

Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito.

1 Mga Taga-Corinto 15:45 (RTPV05)

Ganito ang sinasabi sa kasulatan, “Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay;” ang huling Adan ay Espiritung nagbibigay buhay.

Job 13:14 (RTPV05)

Nakahanda akong itaya ang buhay kong angkin.

1 Mga Hari 1:12 (RTPV05)

Kung gusto ninyong iligtas ang sarili ninyong buhay at pati ang buhay ng inyong anak na si Solomon, ito ang maipapayo ko:

Mateo 16:25 (RTPV05)

Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.