Resulta ng Paghahanap
1 Mga Taga-Corinto 15:55 (RTPV05)
“Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”
Mga Taga-Filipos 2:8 (RTPV05)
nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
1 Mga Taga-Corinto 15:54 (RTPV05)
Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di nabubulok, at ang may kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan, matutupad na ang sinasabi sa kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!”
Job 3:22 (RTPV05)
Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan.
1 Juan 3:14 (RTPV05)
Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang kapatiran. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan.
2 Mga Taga-Corinto 4:11 (RTPV05)
Habang kami'y nabubuhay, lagi kaming nabibingit sa kamatayan alang-alang kay Jesus upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag ang kanyang buhay.
Pahayag 9:6 (RTPV05)
Sa loob ng panahong iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi ito matatagpuan. Nanaisin nila ang kamatayan ngunit lalayuan sila nito.
Pahayag 20:14 (RTPV05)
Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan.
1 Mga Taga-Corinto 15:26 (RTPV05)
Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan.
Mga Kawikaan 21:16 (RTPV05)
Ang lumilihis sa daan ng kaalaman ay hahantong sa kamatayan.
Mga Panaghoy 3:6 (RTPV05)
Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan.
Job 18:14 (RTPV05)
Dati siya'y panatag sa kanyang tahanan; ngayo'y kinakaladkad patungo kay Kamatayan.
Hosea 13:14 (RTPV05)
Hindi ko sila paliligtasin sa daigdig ng mga patay. Hindi ko sila paliligtasin sa kamatayan. Kamatayan, pahirapan mo sila. Libingan, parusahan mo sila. Wala na akong nalalabing awa sa kanila.
2 Samuel 22:5 (RTPV05)
“Pinapalibutan ako ng alon ng kamatayan, tinutugis ako nitong agos ng kapahamakan.
2 Samuel 22:6 (RTPV05)
Daigdig ng mga patay, ako'y pinupuluputan, patibong ng kamatayan, ang aking dinaraanan.
Deuteronomio 30:15 (RTPV05)
“Binibigyan ko kayo ngayon ng pagpipilian: buhay o kamatayan; kasaganaan o kahirapan;
Mga Kawikaan 21:6 (RTPV05)
Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan.
Mga Kawikaan 16:25 (RTPV05)
May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.
Mga Kawikaan 14:12 (RTPV05)
May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.
Habakuk 3:5 (RTPV05)
Nagpapadala siya ng karamdaman at inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya.
Mga Awit 18:4 (RTPV05)
Ginapos ako ng tali ng kamatayan; tinabunan ako ng alon ng kapahamakan.
Mga Taga-Roma 5:12 (RTPV05)
Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.
Job 30:23 (RTPV05)
Alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan, na huling hantungan ng bawat nilalang.
Job 31:11 (RTPV05)
Ang pakikiapid ay karumal-dumal na kasalanan, kasamaang nararapat sa hatol na kamatayan.
Jeremias 5:16 (RTPV05)
Mababangis ang mga kawal ng kaaway; kamatayan ang dulot ng kanilang mga pana.