Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Resulta ng Paghahanap

Juan 3:16 (RTPV05)

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Mga Taga-Roma 5:8 (RTPV05)

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

1 Mga Taga-Corinto 13:4 (RTPV05)

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,

1 Mga Taga-Corinto 13:5 (RTPV05)

hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.

1 Mga Taga-Corinto 13:6 (RTPV05)

Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

1 Mga Taga-Corinto 13:7 (RTPV05)

Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.

1 Juan 4:7 (RTPV05)

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

1 Juan 4:8 (RTPV05)

Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

1 Juan 4:9 (RTPV05)

Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya.

1 Juan 4:10 (RTPV05)

Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.

Mga Taga-Roma 8:38 (RTPV05)

Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap,

Mga Taga-Roma 8:39 (RTPV05)

ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

1 Juan 4:18 (RTPV05)

Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.

1 Mga Taga-Corinto 13:13 (RTPV05)

Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Juan 15:13 (RTPV05)

Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Mga Awit 100:5 (RTPV05)

Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

Mga Awit 86:13 (RTPV05)

O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas; di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.

1 Mga Taga-Tesalonica 3:12 (RTPV05)

Nawa'y pasaganain at pag-umapawin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo.

Mga Taga-Galacia 5:22 (RTPV05)

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,

Mateo 24:12 (RTPV05)

Ang kasamaa'y lalaganap, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami.

Judas 1:2 (RTPV05)

Sumagana nawa sa inyo ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig.

Mga Panaghoy 3:32 (RTPV05)

Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig.

Mga Taga-Efeso 5:2 (RTPV05)

Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Mga Panaghoy 3:22 (RTPV05)

Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay.

Juan 15:10 (RTPV05)

Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.