Resulta ng Paghahanap
Mga Taga-Filipos 4:6 (RTPV05)
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.
Mga Taga-Filipos 4:7 (RTPV05)
At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
1 Pedro 5:7 (RTPV05)
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
Mateo 6:25 (RTPV05)
“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
Mateo 6:27 (RTPV05)
Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
Mateo 6:31 (RTPV05)
“Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit.
Mateo 6:34 (RTPV05)
“Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Mga Awit 94:19 (RTPV05)
Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin.
Josue 1:9 (RTPV05)
Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.”
Juan 14:27 (RTPV05)
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot.
2 Timoteo 1:7 (RTPV05)
Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.
Mga Kawikaan 12:25 (RTPV05)
Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.
Ang Mangangaral 11:10 (RTPV05)
Iwaksi mo ang alalahanin at mga kabalisahan; ang kabataan at kasibulan ay pawang walang kabuluhan.
Lucas 12:25 (RTPV05)
Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng pangangamba?
Ang Mangangaral 5:17 (RTPV05)
Bukod dito, ang buhay natin ay laging may alinlangan; puno ng pagkabalisa, hinagpis, galit at karamdaman.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:7 (RTPV05)
Mga kapatid, dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo ay naaliw kami sa gitna ng aming pagkabalisa at mga hirap.
Mga Gawa 27:33 (RTPV05)
Nang mag-uumaga na, silang lahat ay hinimok ni Pablo upang kumain. “Labing-apat na araw na ngayong kayo'y hindi kumakain dahil sa pagkabalisa at paghihintay.
Jeremias 50:43 (RTPV05)
Nabalitaan na ng hari ng Babilonia ang tungkol sa kanila, at siya'y nanlupaypay; sinaklot siya ng pagkabalisa, at ng sakit na tulad ng nararamdaman ng isang babaing manganganak.
Mateo 13:22 (RTPV05)
“Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon.
Job 7:4 (RTPV05)
Ang gabi ay matagal, parang wala nang umaga, di mapanatag sa higaan, hanggang umaga'y balisa.
Mga Awit 116:11 (RTPV05)
Bagama't ako'y takot, nasasabi ko kung minsan, “Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.”
Jeremias 8:21 (RTPV05)
Para akong sinuntok sa dibdib dahil sa hirap na sinapit ng aking bayan; ako'y nanangis; lubos akong nalilito.
Mga Awit 118:5 (RTPV05)
Nang ako'y magipit, ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag; sinagot niya ako't kanyang iniligtas.
1 Samuel 1:16 (RTPV05)
Huwag po sana ninyong isipin na ang inyong lingkod ay masamang babae. Ipinapahayag ko lamang ang matinding paghihirap ng aking damdamin.”
Ezekiel 4:17 (RTPV05)
Gagawin ko ito sa kanila hanggang sa sila'y pagharian ng sindak. Gayon sila pahihirapan dahil sa kanilang kasamaan.”