1
Lucas 22:42
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.” [
مقایسه
Lucas 22:42 را جستجو کنید
2
Lucas 22:32
Ngunit nanalangin ako para sa iyo, na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid.”
Lucas 22:32 را جستجو کنید
3
Lucas 22:19
Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”
Lucas 22:19 را جستجو کنید
4
Lucas 22:20
Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.
Lucas 22:20 را جستجو کنید
5
Lucas 22:44
Dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim, at ang mga pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa.]
Lucas 22:44 را جستجو کنید
6
Lucas 22:26
Ngunit hindi kayo dapat maging ganoon. Ang mas mataas ay dapat magpakababa, at ang pinuno ay dapat maging tulad ng isang tagapaglingkod.
Lucas 22:26 را جستجو کنید
7
Lucas 22:34
Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Pedro, tandaan mo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”
Lucas 22:34 را جستجو کنید