At hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Sa halip, iutos nʼyo lamang na gumaling ang aking katiwala at siyaʼy gagaling. Alam ko po ito dahil nasa ilalim ako ng nakakataas na opisyal, at may mga sundalo ring nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon,’ pumupunta siya. Kapag sinabi ko naman sa isa pa, ‘Halika,’ lumalapit siya. At kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ ginagawa niya.”
Nang marinig ito ni Hesus, namangha siya sa kapitan. Humarap siya sa napakaraming taong sumusunod sa kanya at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kahit na sa Israel ay hindi pa ako nakakakita ng ganito kalalim na pananampalataya.”