Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malakias 2:10-17

Malakias 2:10-17 ASND

Sinabi ni Malakias sa mga Israelita: Hindi baʼt iisa ang ating ama? At iisang Dios ang lumalang sa atin? Bakit hindi tayo nagiging tapat sa isaʼt isa? Sa ginagawa nating ito, binabalewala natin ang kasunduan ng Dios sa ating mga ninuno. Naging taksil ang mga taga-Juda. Gumawa sila ng kasuklam-suklam sa Jerusalem at sa buong bansa ng Israel. Sapagkat dinungisan nila ang templo na mahal ng PANGINOON sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga babaeng sumasamba sa ibang mga dios. Huwag na sanang ituring na kabilang sa mga mamamayan ng Israel ang mga taong gumagawa nito, pati na ang mga anak nila at mga apo, kahit na maghandog pa sila sa PANGINOONG Makapangyarihan. Ito pa ang inyong ginagawa: Iyak kayo nang iyak sa altar ng PANGINOON dahil hindi na niya pinapansin ang inyong mga handog at hindi na siya nalulugod sa mga iyon. Itinatanong ninyo kung bakit? Sapagkat saksi ang PANGINOON na nagtaksil kayo sa asawa na inyong pinakasalan noong inyong kabataan. Sinira ninyo ang inyong kasunduan na magiging tapat kayo sa isaʼt isa. Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Dios sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadios. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan. Sapagkat sinabi ng PANGINOON, ang Dios ng Israel, “Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, itoʼy pagmamalupit sa asawang babae.” Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa. PANGINOON Sawang-sawa na ang PANGINOON sa inyong mga sinasabi. Pero itinatanong pa ninyo, “Ano ang ikinasasawa niya sa amin?” Sinasabi ninyo na mabuti sa paningin ng Dios ang lahat ng gumagawa ng masama at natutuwa siya sa kanila. Pakutya ninyong sinasabi, “Nasaan na ang Dios ng katarungan?”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Malakias 2:10-17