Hindi ba iisa lamang ang ating ama? Hindi ba iisang Diyos ang lumalang sa atin? Bakit nga tayo nagtataksil sa isa't isa na nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno? Naging taksil ang Juda, at ang kasuklamsuklam ay nagawa sa Israel at sa Jerusalem; sapagkat nilapastangan ng Juda ang santuwaryo ng PANGINOON, na kanyang iniibig, at nag-asawa sa anak na babae ng ibang diyos. Ihiwalay nawa ng PANGINOON mula sa mga tolda ng Jacob ang taong gumawa nito, ang sinumang gigising o sasagot o magdadala ng handog sa PANGINOON ng mga hukbo! Ito rin ay inyong ginagawa: Tinatakpan ninyo ang dambana ng PANGINOON ng mga luha, ng pagtangis, at ng pagdaing, sapagkat hindi na niya nililingap ang handog, ni tinatanggap na may kasiyahan sa inyong kamay. Gayunma'y inyong sinasabi, “Sa anong dahilan?” Sapagkat ang PANGINOON ay saksi sa pagitan mo at ng asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng kataksilan, bagaman siya'y iyong kasama, at iyong asawa sa pamamagitan ng tipan. Ngunit wala ni isang gumawa niyon na mayroong nalabing Espiritu. Ano ang ginawa niya noong naghahanap siya ng lahing maka-Diyos? Kaya't ingatan ninyo ang inyong espiritu, at huwag nang hayaang ang sinuman ay magtaksil sa asawa ng kanyang kabataan. “Sapagkat aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng PANGINOON, ang Diyos ng Israel, at ang pagtatakip ng tao sa kanyang damit na may karahasan, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Kaya't ingatan ninyo ang inyong sarili at huwag kayong magtaksil.” Inyong niyamot ang PANGINOON ng inyong mga salita. Gayunma'y sinasabi ninyo, “Paano namin siya niyamot?” Sa inyong pagsasabi, “Bawat gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng PANGINOON, at sila'y kanyang kinalulugdan.” O sa pagtatanong, “Nasaan ang Diyos ng katarungan?”
Basahin MALAKIAS 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MALAKIAS 2:10-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas