Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 19:1-11

Kawikaan 19:1-11 ASND

Mas mabuti pa ang mahirap na namumuhay nang matuwid kaysa sa hangal na sinungaling. Maging masigasig ka man ngunit walang nalalaman, wala rin itong kabuluhan. Kapag ikaw naman ay pabigla-bigla madali kang magkakasala. Kamangmangan ng tao ang nagpapahamak sa kanyang sarili, at pagkatapos sa PANGINOON ibinabaling ang sisi. Ang mayaman ay maraming kaibigan, ngunit ang mahirap namaʼy iniiwanan ng kaibigan. Ang saksing sinungaling ay parurusahan, at ang nagsisinungaling ay hindi makakatakas sa kaparusahan. Marami ang lumalapit sa pinunong mabait, at sa mapagbigay ang lahat ay nakikipagkaibigan. Ang mahihirap ay iniiwasan ng mga kamag-anak, at lalo na ng mga kaibigan. Kapag sila ay kailangan hindi sila matagpuan. Ang taong nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa sarili, at ang nagpapahalaga sa pang-unawa ay uunlad. Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan, at ang sinumang nagsisinungaling ay mapapahamak. Hindi bagay sa taong mangmang ang mamuhay sa karangyaan, at mas lalong hindi bagay sa isang alipin ang mamuno sa mga pinuno. Kung ikaw ay mahinahon, nagpapakita lang na marunong ka. At kung pinapatawad mo ang nagkasala sa iyo, makapagdudulot ito ng karangalan sa iyo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Kawikaan 19:1-11