I MGA CRONICA 2
2
Ang mga Anak ni Israel
1Ito ang mga anak ni Israel: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulon;
2Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Aser.
3Ang mga anak ni Juda ay sina Er, Onan, at Shela na ang tatlong ito ay isinilang sa kanya ni Batsua na Cananea. Si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya ito.
4At ipinanganak sa kanya ni Tamar na kanyang manugang na babae si Perez at si Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda.
5Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hesron at Hamul.
6Ang mga anak na lalaki ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol, at Dara;#2:6 o Darda. lima silang lahat.
7Ang#Jos. 7:1 mga anak na lalaki ni Carmi ay sina Acar, ang nanggulo sa Israel, na lumabag tungkol sa itinalagang bagay.
8Ang anak ni Etan ay si Azarias.
9Ang mga anak naman ni Hesron, na isinilang sa kanya ay sina Jerameel, Ram, at Celubai.
10Naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naashon, na pinuno ng mga anak ni Juda;
11naging anak ni Naashon si Salma, at naging anak ni Salma si Boaz;
12naging anak ni Boaz si Obed, at naging anak ni Obed si Jesse;
13naging anak ni Jesse ang kanyang panganay na si Eliab, si Abinadab ang ikalawa, si Shimea ang ikatlo;
14si Natanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;
15si Osem ang ikaanim, si David ang ikapito.
16At ang kanilang mga kapatid na babae ay sina Zeruia at Abigail. Ang mga naging anak ni Zeruia ay sina Abisai, Joab, at Asahel, tatlo.
17Ipinanganak ni Abigail si Amasa; at ang ama ni Amasa ay si Jeter na Ismaelita.
18At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth. Ang mga ito ang kanyang mga anak: sina Jeser, Sobad, at Ardon.
19Nang mamatay si Azuba, nag-asawa si Caleb kay Efrata, na siyang nagsilang kay Hur sa kanya.
20Naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.
21Pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Makir na ama ni Gilead, na siya niyang naging asawa nang siya'y may animnapung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kanya.
22Naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ng Gilead.
23Ngunit sinakop ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ang Kenat, at ang mga nayon niyon, samakatuwid baga'y animnapung lunsod. Lahat ng ito'y mga anak ni Makir na ama ni Gilead.
24At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-efrata ay ipinanganak ni Abias na asawa ni Hesron si Ashur na ama ni Tekoa.
Ang mga Anak nina Juda, Jerameel, Caleb at David
25Ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram, ang panganay, at sina Buna, Orem, Osem, at Ahias.
26Si Jerameel ay may iba pang asawa na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.
27Ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maas, Jamin, at Eker.
28Ang mga anak ni Onam ay sina Shammai, at Jada. Ang mga anak ni Shammai ay sina Nadab, at Abisur.
29Ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kanya sina Aban, at Molid.
30Ang mga anak ni Nadab ay sina Seled, at Afaim. Ngunit si Seled ay namatay na walang anak.
31Ang anak#2:31 Sa Hebreo ay mga anak. ni Afaim ay si Ishi. At ang anak#2:31 Sa Hebreo ay mga anak. ni Ishi ay si Sesan. Ang anak#2:31 Sa Hebreo ay mga anak. ni Sesan ay si Alai.
32Ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Shammai ay sina Jeter at Jonathan. Si Jeter ay namatay na walang anak.
33Ang mga anak ni Jonathan ay sina Pelet, at Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.
34Si Sesan ay hindi nagkaanak ng mga lalaki, kundi mga babae. Si Sesan ay may isang alipin na taga-Ehipto, na ang pangalan ay Jarha.
35At pinapag-asawa ni Sesan ang kanyang anak na babae kay Jarha na kanyang alipin at naging anak nila ni Jarha si Attai.
36Si Attai ang ama ni Natan, at naging anak ni Natan si Zabad;
37si Zabad ang ama ni Eflal, at naging anak ni Eflal si Obed.
38Si Obed ang ama ni Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias.
39Si Azarias ang ama ni Heles, at naging anak ni Heles si Elesa.
40Si Elesa ang ama ni Sismai, at naging anak ni Sismai si Shallum.
41Si Shallum ang ama ni Jekamias, at naging anak ni Jekamias si Elisama.
42Ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na kanyang panganay, na siyang ama ni Zif. Ang kanyang anak ay si Maresha#2:42 o Mesha. na ama ni Hebron.#2:42 Sa Hebreo ay ang ama ni Hebroa.
43Ang mga anak ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem, at Shema.
44Si Shema ang ama ni Raham, na ama ni Jokneam; at naging anak ni Rekem si Shammai.
45Ang anak ni Shammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Bet-zur.
46At ipinanganak ni Efa, na asawang-lingkod ni Caleb, sina Haran, Mosa, at Gazez; at naging anak ni Haran si Gazez.
47Ang mga anak ni Joddai ay sina Regem, Jotam, Gesan, Pelet, Efa, at Saaf.
48Ipinanganak ni Maaca, na asawang-lingkod ni Caleb, sina Sebet, at Tirana.
49Ipinanganak din niya si Saaf na ama ni Madmana, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Gibea; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa.
50Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Efrata: si Sobal na ama ni Kiryat-jearim;
51si Salma na ama ni Bethlehem, si Haref na ama ni Betgader.
52At si Sobal na ama ni Kiryat-jearim ay nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki: si Haroe, na kalahati ng mga Menuhot.
53At ang mga angkan ni Kiryat-jearim: ang mga Itreo, mga Futeo, at ang mga Sumateo, at ang mga Misraiteo; mula sa kanila ang mga Soratita at mga Estaolita.
54Ang mga anak ni Salma: ang Bethlehem, ang mga Netofatita, ang Atrot-betjoab, at ang kalahati ng mga Manahetita, ang mga Soraita.
55At ang mga angkan ng mga eskriba na naninirahan sa Jabez: ang mga Tirateo, mga Shimateo, at ang mga Sucateo. Ito ang mga Kineo na nagmula kay Hamat na ama ng sambahayan ni Recab.
Kasalukuyang Napili:
I MGA CRONICA 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001