Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA CRONICA 3

3
Ang Angkan ni David
1Ito ang mga anak ni David na ipinanganak sa kanya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, kay Ahinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, kay Abigail na Carmelita;
2ang ikatlo'y si Absalom, na ang ina ay si Maaca na anak na babae ni Talmai, na hari sa Geshur; ang ikaapat ay si Adonias na ang ina ay si Hagit;
3ang ikalima'y si Shefatias, kay Abithal; ang ikaanim ay si Itream, kay Egla na asawa niya.
4Anim#2 Sam. 5:4, 5; 1 Ha. 2:11; 1 Cro. 29:27 ang ipinanganak sa kanya sa Hebron; at naghari siya doon ng pitong taon at anim na buwan. Sa Jerusalem ay naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon.
5Ito#2 Sam. 11:3 ang mga ipinanganak sa kanya sa Jerusalem: sina Shimea, Sobab, Natan, at Solomon, apat kay Batsua na anak na babae ni Amiel;
6at sina Ibhar, Elisama, Elifelet;
7Noga, Nefeg, Jafia;
8Elisama, Eliada, at Elifelet, siyam.
9Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga asawang-lingkod; at si Tamar ay kanilang kapatid na babae.
10Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam, si Abias na kanyang anak, si Asa na kanyang anak, si Jehoshafat na kanyang anak;
11si Joram na kanyang anak, si Ahazias na kanyang anak, si Joas na kanyang anak;
12si Amasias na kanyang anak, si Azarias na kanyang anak, si Jotam na kanyang anak;
13si Ahaz na kanyang anak, si Hezekias na kanyang anak, si Manases na kanyang anak;
14si Amon na kanyang anak, si Josias na kanyang anak.
15Ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Jehoiakim, ang ikatlo'y si Zedekias, ang ikaapat ay si Shallum.
16Ang mga anak ni Jehoiakim: si Jeconias na kanyang anak, si Zedekias na kanyang anak.
17Ang mga anak ni Jeconias, na bihag: sina Shealtiel na kanyang anak,
18Malchiram, Pedaya, Shenassar, Jekamias, Hosama, at Nedabia.
19Ang mga anak ni Pedaya: sina Zerubabel, at Shimei. Ang mga anak ni Zerubabel ay sina Mesulam, Hananias, at si Shelomit na kanilang kapatid na babae;
20at sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadia, at Jusabhesed, lima.
21Ang mga anak ni Hananias ay sina Pelatias, at Jeshaias; ang mga anak ni Refaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obadias, ang mga anak ni Shecanias.
22Ang anak ni Shecanias ay si Shemaya; at ang mga anak ni Shemaya ay sina Hatus, Igal, Bariaas, Nearias, at Shafat, anim.
23Ang mga anak ni Nearias ay sina Elioenai, Hizkias, at Azricam, tatlo.
24Ang mga anak ni Elioenai ay sina Hodavias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at Anani, pito.

Kasalukuyang Napili:

I MGA CRONICA 3: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in