Nang matapos na ni Solomon ang kanyang panalangin, bumaba ang isang apoy mula sa langit at tinupok ang handog na sinusunog at ang mga alay at napuno ng kaluwalhatian ng PANGINOON ang templo. Ang mga pari ay hindi makapasok sa bahay ng PANGINOON, sapagkat napuno ng kaluwalhatian ng PANGINOON ang bahay ng PANGINOON. Nang makita ng lahat ng mga anak ni Israel ang apoy na bumaba at ang kaluwalhatian ng PANGINOON na nasa templo, iniyuko nila ang kanilang mga mukha sa lupa at sumamba, at nagpasalamat sa PANGINOON, na nagsasabi, “Sapagkat siya'y mabuti; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.”
Basahin II MGA CRONICA 7
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: II MGA CRONICA 7:1-3
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas