Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

AMOS 4:10-13

AMOS 4:10-13 ABTAG01

“Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot na gaya ng sa Ehipto; ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, kasama ang inyong mga kabayong nabihag; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampo hanggang sa mga butas ng inyong ilong; gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng PANGINOON. “Ibinuwal ko kayo gaya nang ibinuwal ng Diyos ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng nagniningas na kahoy na inagaw sa apoy; gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng PANGINOON. “Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, O Israel; sapagkat aking gagawin ito sa iyo, humanda ka sa pagsalubong sa iyong Diyos, O Israel!” Sapagkat, narito, siyang nag-aanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, at nagpapahayag sa tao kung ano ang kanyang iniisip; na nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa matataas na dako ng lupa— ang PANGINOON, ang Diyos ng mga hukbo, ang kanyang pangalan!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa AMOS 4:10-13