Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

AMOS 6:1-6

AMOS 6:1-6 ABTAG01

“Kahabag-habag sila na nagwawalang-bahala sa Zion, at sila na tiwasay sa bundok ng Samaria, ang mga kilalang tao ng una sa mga bansa, na pinagmulan ng sambahayan ni Israel! Dumaan kayo sa Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay pumunta kayo sa Hamat na dakila; at pagkatapos ay bumaba kayo sa Gat ng mga Filisteo. Magaling ba sila kaysa mga kahariang ito? O mas malaki ba ang kanilang nasasakupan kaysa inyong nasasakupan? Naglalayo ba kayo ng araw ng sakuna at maglalapit ba kayo ng upuan ng karahasan? “Silang mga nahihiga sa mga higaang garing, at nag-uunat ng kanilang sarili sa kanilang mga hiligan, at kumakain ng mga batang tupa mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan; na kumakatha ng mga tunog ng alpa na walang paghahanda; na kumakatha para sa kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David; na umiinom ng alak sa mga mangkok, at binubuhusan ang kanilang sarili ng pinakamagandang uri ng langis, ngunit hindi nahahapis sa pagkaguho ni Jose.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa AMOS 6:1-6