Amos 6:1-6
Amos 6:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kahabag-habag kayong namumuhay na maginhawa sa Zion, at kayong naninirahang matiwasay sa Bundok ng Samaria, kayo na kinikilala sa Israel, ang bansang pinili at nilalapitan ng mga nangangailangan! Tingnan ninyo ang lunsod ng Calne; puntahan ninyo ang tanyag na lunsod ng Hamat, at ang Gat, na lunsod ng mga Filisteo. Nakakahigit ba sila kaysa Juda at Israel? Mas malaki ba ang lupaing sakop nila kaysa inyo? Gusto ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong kapahamakan, ngunit sa ginagawa ninyo'y lalong nalalapit ang araw ng karahasan. Kahabag-habag kayo na nahihiga sa magagarang kama na yari sa garing, at nagpapahinga sa malalapad na himlayan, habang nagpapakabusog sa mga piling tupa at pinatabang guya. Lumilikha pa kayo ng mga walang kabuluhang awitin sa saliw ng alpa; tulad ni David, gumagawa kayo ng mga instrumento para sa inyong musika. Sa malalaking mangkok na kayo umiinom ng alak, at mamahaling pabango ang ipinapahid sa katawan, ngunit hindi kayo nagdadalamhati sa pagkawasak ng Israel!
Amos 6:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel! Magsidaan kayo sa Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan? Kayong nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan; Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan; Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David; Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.
Amos 6:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nakakaawa kayong mga pinuno ng Zion at Samaria na nagpapasarap sa buhay at walang pakialam. Itinuturing ninyo ang inyong mga sarili na mararangal na tao ng nangungunang bansa, at sa inyo lumalapit ang inyong mga mamamayan na nangangailangan. Tingnan ninyo kung ano ang nangyari sa lungsod ng Calne, ang malaking lungsod ng Hamat, at ang lungsod ng Gat sa Filistia. Mas makapangyarihan ba kayo kaysa sa mga kahariang iyon? Mas malawak ba ang inyong lupain kaysa sa kanila? Kawawa kayong nag-aakala na hindi darating sa inyo ang araw ng pagpaparusa. Dahil sa ginagawa ninyong kasamaan, lalo ninyong pinadadali ang araw na iyon na maghahari ang karahasan. Kawawa kayong mga pahiga-higa lang sa inyong mga mamahaling kama at nagpapakabusog sa masasarap na pagkaing karne ng batang tupa at ng pinatabang guya. Kawawa kayong mga kumakatha ng mga awit habang tumutugtog ng alpa at mahilig tumugtog ng mga tugtugin katulad ni David. Kawawa kayong malalakas uminom ng alak at gumagamit ng mamahaling pabango, pero hindi nagdadalamhati sa sasapiting pagbagsak ng inyong bansa.
Amos 6:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel! Magsidaan kayo sa Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan? Kayong nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan; Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan; Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David; Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.
Amos 6:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)