Kahabag-habag kayong namumuhay na maginhawa sa Zion, at kayong naninirahang matiwasay sa Bundok ng Samaria, kayo na kinikilala sa Israel, ang bansang pinili at nilalapitan ng mga nangangailangan! Tingnan ninyo ang lunsod ng Calne; puntahan ninyo ang tanyag na lunsod ng Hamat, at ang Gat, na lunsod ng mga Filisteo. Nakakahigit ba sila kaysa Juda at Israel? Mas malaki ba ang lupaing sakop nila kaysa inyo? Gusto ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong kapahamakan, ngunit sa ginagawa ninyo'y lalong nalalapit ang araw ng karahasan. Kahabag-habag kayo na nahihiga sa magagarang kama na yari sa garing, at nagpapahinga sa malalapad na himlayan, habang nagpapakabusog sa mga piling tupa at pinatabang guya. Lumilikha pa kayo ng mga walang kabuluhang awitin sa saliw ng alpa; tulad ni David, gumagawa kayo ng mga instrumento para sa inyong musika. Sa malalaking mangkok na kayo umiinom ng alak, at mamahaling pabango ang ipinapahid sa katawan, ngunit hindi kayo nagdadalamhati sa pagkawasak ng Israel!
Basahin Amos 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Amos 6:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas