Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

AMOS 6:7-14

AMOS 6:7-14 ABTAG01

Kaya't sila ngayon ay tutungo sa pagkabihag sa unahan ng mga bihag, at ang kasayahan nila na nag-uunat ng sarili ay mapaparam.” Ang Panginoong DIYOS ay sumumpa sa kanyang sarili, ang PANGINOON, ng Diyos ng mga hukbo ay nagsabi: “Aking kinapopootan ang kapalaluan ng Jacob, at aking kinamumuhian ang kanyang mga muog; kaya't aking ibibigay ang lunsod at lahat ng naroroon.” At kung may natitirang sampung tao sa isang bahay, sila'y pawang mamatay. At kapag ang isang tiyuhin o yaong sumusunog ng patay, ang magbubuhat upang ilabas ang buto mula sa bahay, at sasabihin doon sa nasa loob na bahagi ng bahay, “Mayroon ka pa bang kasama?” at kanyang sasabihin: “Wala”; kung magkagayo'y kanyang sasabihin: “Tumahimik ka! Hindi natin dapat banggitin ang pangalan ng PANGINOON.” Sapagkat narito, ang PANGINOON ay mag-uutos na ang malaking bahay ay mawawasak, at ang munting bahay ay madudurog. Tumatakbo ba ang mga kabayo sa malaking bato? Inaararo ba ng sinuman ang dagat sa pamamagitan ng mga toro? Ngunit inyong ginawang lason ang katarungan, at ginawang mapait na kahoy ang bunga ng katuwiran. Kayong nagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan, na nagsasabi; “Hindi ba sa pamamagitan ng sarili naming lakas ay nagapi namin ang mga sungay para sa aming sarili?” “Sapagkat aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, O sambahayan ni Israel,” sabi ng PANGINOON, ng Diyos ng mga hukbo; “at kanilang pahihirapan kayo mula sa pasukan sa Hamat hanggang sa batis ng Araba.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa AMOS 6:7-14