Ang PANGINOON ay sumumpa sa pamamagitan ng kapalaluan ng Jacob: “Tunay na hindi ko kalilimutan kailanman ang alinman sa kanilang mga gawa. Hindi ba manginginig ang lupain dahil dito, at mananaghoy ang bawat tumatahan doon? Oo, lahat ng ito ay tataas na gaya ng Nilo, at tatangayin ng alon at lulubog uli, gaya ng Nilo ng Ehipto?” “At sa araw na iyon,” sabi ng Panginoong DIYOS, “Aking palulubugin ang araw sa katanghaliang-tapat, at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na sikat ng araw. At aking papalitan ng panangis ang inyong mga kapistahan, at lahat ng inyong awit ay magiging panaghoy; at ako'y maglalagay ng damit-sako sa lahat ng balakang, at pagkakalbo sa bawat ulo; at gagawin ko iyon na gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyon ay gaya ng mapait na araw. “Ang mga araw ay dumarating,” sabi ng Panginoong DIYOS, “na ako'y magpapasapit ng taggutom sa lupain, hindi taggutom sa tinapay, o pagkauhaw sa tubig, kundi sa pakikinig sa mga salita ng PANGINOON. At sila'y lalaboy mula sa dagat hanggang sa dagat, at mula sa hilaga hanggang sa silangan; sila'y tatakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng PANGINOON, at hindi nila ito matatagpuan. “Sa araw na iyon ay manlulupaypay sa uhaw ang magagandang birhen at ang mga binata. Silang sumumpa sa pamamagitan ng Ashimah ng Samaria, at nagsasabi, ‘Habang buháy ang diyos mo, O Dan;’ at, ‘Habang buháy ang daan ng Beer-seba;’ sila'y mabubuwal, at kailanma'y hindi na makakabangon.”
Basahin AMOS 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: AMOS 8:7-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas