DEUTERONOMIO 12
12
Ang Isang Lugar para sa Pagsamba
1“Ito ang mga tuntunin at mga batas na inyong tutuparin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon, ng Diyos ng iyong mga ninuno upang angkinin, sa lahat ng mga araw na inyong ilalagi sa ibabaw ng lupa.
2Wasakin ninyo ang lahat ng mga dako kung saan naglilingkod sa kanilang diyos ang mga bansang inyong aagawan, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawat luntiang punungkahoy.
3Wawasakin#Deut. 7:5 ninyo ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputul-putulin ang kanilang mga haligi, at susunugin sa apoy ang kanilang mga sagradong poste;#12:3 Sa Hebreo ay Ashera. at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga diyos; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong iyon.
4Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Diyos.
5Kundi inyong hahanapin ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kanyang pangalan, samakatuwid, sa kanyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon.
6At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na sinusunog, at ang inyong mga alay, at ang inyong mga ikasampung bahagi, at ang handog na iwawagayway ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan;
7at doon kayo kakain sa harapan ng Panginoon ninyong Diyos, at kayo'y magagalak sa lahat ng inyong gagawin, kayo at ang inyong mga sambahayan kung saan kayo pinagpala ng Panginoon mong Diyos.
8Huwag ninyong gagawin ang gaya ng mga bagay na ating ginagawa dito sa araw na ito, na ginagawa ng bawat isa ang matuwid sa kanyang paningin;
9sapagkat hindi pa kayo nakakarating sa kapahingahan at sa pamana na ibinibigay sa iyo ng Panginoon ninyong Diyos.
10Ngunit pagtawid ninyo ng Jordan, at pagtira sa lupain na ipinamamana sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos, at pagkabigay niya sa inyo ng kapahingahan sa lahat ng inyong mga kaaway sa palibot, upang kayo'y makapanirahan nang tiwasay;
11at pagkatapos ay sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Diyos na patatahanan sa kanyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking ipinag-uutos sa inyo: ang inyong mga handog na sinusunog, mga alay, mga ikasampung bahagi, ang handog na iwinawagayway ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong ipinangakong handog na inyong ipinanata sa Panginoon.
12At kayo'y magagalak sa harapan ng Panginoon ninyong Diyos, kayo at ang inyong mga anak na lalaki at babae, at ang inyong mga aliping lalaki at babae, at ang Levita na nasa loob ng inyong mga bayan, sapagkat siya'y walang bahagi ni pamana na kasama ninyo.
13Mag-ingat ka na huwag mag-alay ng iyong handog na sinusunog sa alinmang dakong iyong makikita,
14kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi, doon mo ihahandog ang iyong mga handog na sinusunog, at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo.
15“Gayunma'y maaari kang kumatay at kumain ng karne sa loob ng lahat ng iyong mga bayan, hanggang gusto mo, ayon sa pagpapala ng Panginoon mong Diyos na kanyang ibinigay sa iyo. Maaari itong kainin ng marumi at ng malinis gaya ng maliit na usa, o malaking usa.
16Huwag#Gen. 9:4; Lev. 7:26, 27; 17:10-14; 19:26; Deut. 15:23 lamang ninyong kakainin ang dugo; ibubuhos ninyo ito sa lupa na parang tubig.
17Huwag mong kakainin sa loob ng iyong mga bayan ang ikasampung bahagi ng iyong trigo, o ng iyong alak, o ng iyong langis, o ng mga panganay sa iyong bakahan o sa iyong kawan, ni anuman sa iyong mga ipinangakong handog na iyong ipapanata, ni ang iyong mga kusang handog, ni ang handog na iwinawagayway ng iyong kamay.
18Kakainin mo ang mga ito sa harapan ng Panginoon mong Diyos sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Diyos, ikaw at ng iyong anak na lalaki at babae, at ng iyong mga aliping lalaki at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga bayan; at ikaw ay magagalak sa lahat ng iyong gagawin sa harapan ng Panginoon mong Diyos.
19Huwag mong pabayaan ang Levita habang nabubuhay ka sa iyong lupain.
20“Kapag pinalawak ng Panginoon mong Diyos ang iyong nasasakupan, gaya ng kanyang ipinangako sa iyo, at iyong sasabihin, ‘Ako'y kakain ng karne,’ sapagkat ikaw ay nasasabik sa karne, ay makakakain ka ng karne hangga't nais mo.
21Kung ang dakong pipiliin ng Panginoon mong Diyos na paglalagyan ng kanyang pangalan ay napakalayo para sa iyo, magpapatay ka sa iyong bakahan at kawan na ibinigay sa iyo ng Panginoon, gaya ng iniutos ko sa iyo, at makakakain ka sa loob ng iyong mga bayan, hangga't nais mo.
22Kung paano kinakain ang maliit at malaking usa ay gayon mo ito kakainin; ang marumi at ang malinis ay kapwa makakakain niyon.
23Lamang#Lev. 17:10-14 ay tiyakin mong hindi mo kakainin ang dugo, sapagkat ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakainin ang buhay na kasama ng laman.
24Huwag mong kakainin iyon, ibubuhos mo sa lupa na parang tubig.
25Huwag mong kakainin iyon para sa ikabubuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
26Tanging ang mga banal na bagay na nasa iyo, at ang iyong mga panata ang iyong dadalhin, at hahayo ka sa dakong pipiliin ng Panginoon.
27At iaalay mo ang iyong mga handog na sinusunog, ang laman at ang dugo, sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Diyos, at ang dugo ng iyong mga alay ay ibubuhos sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Diyos; at iyong kakainin ang karne.
28Sundin mo at dinggin ang lahat ng mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo para sa ikabubuti mo at ng iyong mga anak pagkamatay mo magpakailanman, kapag ginawa mo ang mabuti at matuwid sa paningin ng Panginoon mong Diyos.
Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan
29“Kapag natanggal na ng Panginoon mong Diyos sa harapan mo ang mga bansa na iyong papasukin upang samsaman; at nasamsaman mo na sila at nakapanirahan sa kanilang lupain,
30mag-ingat ka upang huwag kang mabitag na sumunod sa kanila, pagkatapos na sila'y mapuksa sa harapan mo. Huwag kang mag-usisa ng tungkol sa kanilang mga diyos, na magsabi, ‘Paanong naglingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga diyos? Gayundin ang gagawin ko.’
31Huwag mong gagawin ang gayon sa Panginoon mong Diyos, sapagkat bawat karumaldumal sa Panginoon na kanyang kinapopootan ay kanilang ginagawa sa kanilang mga diyos; sapagkat pati na ang kanilang mga anak na lalaki at babae ay kanilang sinusunog sa apoy para sa kanilang mga diyos.
32“Anumang#Deut. 4:2; Apoc. 22:18, 19 bagay na ipinag-uutos ko sa iyo ay siya mong gagawin; huwag mong daragdagan, ni babawasan.
Kasalukuyang Napili:
DEUTERONOMIO 12: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001