DEUTERONOMIO 15
15
Ang Ikapitong Taon
(Lev. 25:1-7)
1“Sa katapusan ng bawat pitong taon ay magpapatawad ka ng iyong mga pautang.
2Ito ang paraan ng pagpapatawad: bawat nagpapautang ay magpapatawad ng kanyang ipinautang sa kanyang kapwa; huwag niyang sisingilin iyon sa kanyang kapwa at sa kanyang kapatid, sapagkat ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag.
3Sa isang dayuhan ay maaari kang maningil; ngunit anumang pag-aari mo na nasa iyong kapatid ay ipatatawad mo.
4Ngunit hindi magkakaroon ng dukha sa inyo sapagkat pagpapalain ka ng Panginoon sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos na pinakamana upang iyong angkinin,
5kung masikap mong papakinggan ang tinig ng Panginoon mong Diyos, at gagawin ang lahat ng utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito.
6Sapagkat pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos, na gaya ng ipinangako niya sa iyo. Ikaw ay magpapautang sa maraming bansa, ngunit hindi ka mangungutang; at ikaw ay maghahari sa maraming bansa, ngunit hindi ka nila paghaharian.
7“Kung#Lev. 25:35 mayroon sa inyong isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga bayan sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos, ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni maging maramot sa iyong dukhang kapatid;
8kundi iyo ngang bubuksan ang iyong kamay sa kanya, at papautangin mo siya ng sapat para sa kanyang pangangailangan maging anuman iyon.
9Pag-ingatan mong huwag mag-isip ng masama, na iyong iisipin, ‘Ang ikapitong taon, na taon ng pagpapatawad ay malapit na;’ at tiningnan mo ng masama ang iyong dukhang kapatid at wala kang ibinigay sa kanya. Siya ay maaaring dumaing sa Panginoon laban sa iyo, at ito'y magiging kasalanan mo.
10Siya nga'y bibigyan mo, at ang iyong puso'y huwag magdamdam kapag binibigyan mo siya; sapagkat dahil sa bagay na ito'y pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong gawa, at sa lahat ng hipuin ng iyong kamay.
11Yamang#Mt. 26:11; Mc. 14:7; Jn. 12:8 hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailanman, kaya't aking iniutos sa iyo, ‘Buksan mo ang iyong kamay sa iyong kapatid na nangangailangan, at sa dukha na nasa iyong lupain.’
Ang Pakikitungo sa mga Alipin
(Exo. 21:1-11)
12“Kung#Lev. 25:39-46 ang iyong kapatid na Hebreong lalaki o babae ay ipagbili sa iyo, at maglingkod sa iyo ng anim na taon, sa ikapitong taon ay palalayain mo siya.
13At kapag pinalaya mo siya, ay huwag mo siyang paalisin na walang dala;
14bibigyan mo siya nang sagana mula sa bunga ng iyong kawan, sa iyong giikan at mula sa iyong pisaan ng alak. Kung paanong pinagpala ka ng Panginoon mong Diyos, ay gayon mo siya bibigyan.
15At aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Ehipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Diyos, kaya't iniuutos ko sa iyo ngayon ang bagay na ito.
16Kung sabihin niya sa iyo, ‘Hindi ako aalis sa iyo;’ sapagkat mahal ka niya at ang iyong sambahayan, sapagkat kinalulugdan mo siya,
17ay kukuha ka ng isang pambutas at butasan mo ang kanyang tainga sa pintuan, at siya'y magiging iyong alipin magpakailanman. Gayundin ang iyong gagawin sa iyong aliping babae.
18Hindi dapat maging mabigat sa iyo kapag pinalaya mo na siya mula sa iyo, sapagkat sa kalahati ng halaga ng isang upahang alipin ay naglingkod siya sa iyo ng anim na taon, at pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong ginagawa.
19“Lahat#Exo. 13:12 ng panganay na lalaki na ipinanganak sa iyong bakahan at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Diyos. Huwag mong pagtatrabahuhin ang panganay ng iyong baka, ni gugupitan ang panganay ng iyong kawan.
20Kakainin mo ito, ikaw at ng iyong sambahayan sa harapan ng Panginoon mong Diyos taun-taon sa lugar na pipiliin ng Panginoon.
21At kung ito ay may anumang kapintasan, pilay o bulag, anumang masamang kapintasan, ay huwag mong ihahandog sa Panginoon mong Diyos.
22Kakainin mo ito sa loob ng iyong mga bayan; ang marumi at ang malinis ay kapwa kakain nito, na para itong maliit na usa o malaking usa.
23Huwag#Gen. 9:4; Lev. 7:26, 27; 17:10-14; 19:26; Deut. 12:16, 23 mo lamang kakainin ang dugo niyon; ibubuhos mo iyon sa lupa na parang tubig.
Kasalukuyang Napili:
DEUTERONOMIO 15: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001