Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 27

27
Kautusan ng Diyos na Nakasulat sa mga Bato
1Pagkatapos, si Moises at ang matatanda sa Israel ay nag-utos sa taong-bayan, na sinasabi, “Tuparin ninyo ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito.
2Sa#Jos. 8:30-32 araw na iyong tawirin ang Jordan patungo sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos ay maglalagay ka ng malalaking bato, at tatapalan ninyo ng plaster.
3Isusulat ninyo sa mga ito ang lahat ng mga salita ng kautusang ito kapag ikaw ay tumawid upang pumasok sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot, na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Diyos ng iyong mga ninuno.
4Pagtawid mo sa Jordan, ilalagay ninyo ang mga batong ito na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, sa bundok ng Ebal at iyong tatapalan ng plaster.
5Doo'y#Exo. 20:25 magtatayo ka ng isang batong dambana sa Panginoon mong Diyos, na hindi gagamitan ng kasangkapang bakal.
6Iyong itatayo na buong bato ang dambana ng Panginoon mong Diyos, at maghahandog ka roon ng mga handog na sinusunog sa Panginoon mong Diyos.
7Ikaw ay mag-aalay ng mga handog pangkapayapaan at iyong kakainin doon; at ikaw ay magagalak sa harapan ng Panginoon mong Diyos;
8at isusulat mo nang malinaw sa mga batong iyon ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.”
9Si Moises at ang mga paring Levita ay nagsalita sa buong Israel, na sinasabi, “Tumahimik ka at pakinggan mo, O Israel; sa araw na ito ay naging bayan ka ng Panginoon mong Diyos.
10Kaya't sundin mo ang tinig ng Panginoon mong Diyos, at tuparin mo ang kanyang mga utos at ang kanyang mga tuntunin na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito.”
Mga Sumpa sa Pagsuway
11Inatasan ni Moises ang bayan ng araw na iyon, na sinasabi:
12“Pagtawid#Deut. 11:29; Jos. 8:33-35 ninyo sa Jordan, ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Gerizim upang basbasan ang bayan: Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin;
13at ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Ebal upang sumumpa: Ruben, Gad, Aser, Zebulon, Dan, at Neftali.
14Ang mga Levita ay sasagot at magsasalita sa malakas na tinig sa lahat ng mga lalaki sa Israel.
15“‘Sumpain#Exo. 20:4; 34:17; Lev. 19:4; 26:1; Deut. 4:15-18; 5:8 ang taong gumagawa ng larawang inukit o inanyuan, isang karumaldumal sa Panginoon na gawa ng mga kamay ng manggagawa at lihim na inilagay sa isang dako.’ At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, ‘Amen.’
16“‘Sumpain#Exo. 20:12; Deut. 5:16 ang sumisira ng puri ng kanyang ama o ng kanyang ina.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
17“‘Sumpain#Deut. 19:14 ang mag-aalis ng muhon ng kanyang kapwa.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
18“‘Sumpain#Lev. 19:14 ang magliligaw ng bulag sa daan.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
19“‘Sumpain#Exo. 22:21; 23:9; Lev. 19:33, 34; Deut. 24:17, 18 ang bumabaluktot ng katarungan para sa dayuhan, sa ulila at sa babaing balo.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
20“‘Sumpain#Lev. 18:8; 20:11; Deut. 22:30 ang sumisiping sa asawa ng kanyang ama, sapagkat kanyang inililitaw ang balabal ng kanyang ama.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
21“‘Sumpain#Exo. 22:19; Lev. 18:23; 20:15 ang sumisiping sa alinmang hayop.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
22“‘Sumpain#Lev. 18:9; 20:17 ang sumisiping sa kanyang kapatid na babae, sa anak ng kanyang ama, o sa anak na babae ng kanyang ina.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
23“‘Sumpain#Lev. 18:17; 20:14 ang sumisiping sa kanyang biyenang babae.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
24“‘Sumpain ang pumapatay ng lihim sa kanyang kapwa.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
25“‘Sumpain ang tumatanggap ng suhol upang pumatay ng isang taong walang sala.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
26“‘Sumpain#Ga. 3:10 ang hindi sumasang-ayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’

Kasalukuyang Napili:

DEUTERONOMIO 27: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in