Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 11:11-16

JUAN 11:11-16 ABTAG01

Pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, “Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog, ngunit ako'y pupunta roon, upang gisingin siya.” Sinabi ng mga alagad sa kanya, “Panginoon, kung siya'y natutulog, siya'y gagaling.” Subalit ang sinasabi ni Jesus ay tungkol sa pagkamatay ni Lazaro, subalit inakala nila na ang tinutukoy niya ay ang karaniwang pagtulog. Kaya't pagkatapos ay maliwanag na sinabi sa kanila ni Jesus, “Namatay si Lazaro, at ikinagagalak ko alang-alang sa inyo na ako'y wala roon, upang kayo'y sumampalataya. Gayunma'y tayo na sa kanya.” Si Tomas na tinatawag na Kambal ay nagsabi sa mga kapwa niya alagad, “Pumunta rin tayo upang mamatay na kasama niya.”