“Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At kanino sa mga banal ka babaling? Tunay na pinapatay ng pagkayamot ang taong hangal, at pinapatay ng panibugho ang mangmang. Nakakita na ako ng hangal na nag-uugat, ngunit bigla kong sinumpa ang kanyang tirahan. Ang mga anak niya ay malayo sa kaligtasan, sila'y dinudurog sa pintuan at walang magligtas sa kanila isa man. Ang kanyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha niya ito maging mula sa mga tinik, at ang bitag ay naghahangad sa kanilang kayamanan. Sapagkat ang paghihirap ay hindi nanggagaling sa alabok, ni ang kaguluhan ay sumisibol man sa lupa; kundi ang tao ay ipinanganak tungo sa kaguluhan, kung paanong ang siklab, sa itaas ay pumapailanglang.
Basahin JOB 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOB 5:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas