Ang iniwan ng nagngangatngat na balang, ay kinain ng kuyog na balang. Ang iniwan ng kuyog na balang ay kinain ng gumagapang na balang; at ang iniwan ng gumagapang na balang ay kinain ng maninirang balang. Gising, kayong mga maglalasing, at umiyak kayo; tumangis kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak na inilayo sa inyong bibig. Sapagkat ang isang bansa ay sumalakay sa aking lupain, malakas at di mabilang, ang kanyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon, at siya'y may mga pangil ng babaing leon. Kanyang sinira ang aking puno ng ubas, at sinibak ang aking puno ng igos; kanyang binalatan at inihagis, ang kanilang mga sanga ay pumuti. Managhoy ka na parang birheng may bigkis ng damit-sako para sa asawa ng kanyang kabataan. Ang handog na butil at ang handog na inumin ay inalis sa bahay ng PANGINOON. Ang mga pari na mga lingkod ng PANGINOON ay nagdadalamhati. Ang mga bukid ay sira, ang lupain ay nagluluksa, sapagkat ang trigo ay sira, ang bagong alak ay natuyo at ang langis ay kulang. Mahiya kayo, O kayong mga magsasaka, tumangis kayong mga nag-aalaga ng ubasan, dahil sa trigo at sebada; sapagkat ang ani sa bukid ay nasira. Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng igos ay nalalanta. Ang puno ng granada, ang puno ng palma at ang puno ng mansanas, at lahat ng punungkahoy sa parang ay tuyo; sapagkat ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao. Magbigkis kayo ng damit-sako at tumaghoy, O mga pari at tumaghoy, manangis, kayong mga lingkod sa dambana. Halikayo, palipasin ninyo ang magdamag na suot ang damit-sako, O mga lingkod ng aking Diyos! Sapagkat ang handog na butil at ang handog na inumin ay ipinagkait sa bahay ng inyong Diyos.
Basahin JOEL 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOEL 1:4-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas