Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at sila'y tumatakbong gaya ng mga kabayong pandigma. Gaya ng rumaragasang karwahe ay lumulukso sila sa tuktok ng mga bundok, gaya ng hugong ng liyab ng apoy na tumutupok sa dayami, gaya ng isang makapangyarihang hukbo na nakahanda sa labanan. Sa kanilang harapan ay nagdadalamhati ang mga tao, lahat ng mukha ay namumutla. Sila'y sumasalakay na gaya ng mga mandirigma, kanilang iniakyat ang pader na gaya ng mga kawal. Bawat isa'y patungo sa kanya-kanyang lakad, at hindi sila lumilihis ng kanilang mga daan. Hindi sila nagtutulakan sa isa't isa; bawat isa'y lumalakad sa kanya-kanyang landas; kanilang sinasagupa ang mga sandata, at hindi sila mapahinto. Kanilang nilulukso ang lunsod; kanilang tinatakbo ang mga pader; kanilang inaakyat ang mga bahay; sila'y pumapasok sa mga bintana na gaya ng magnanakaw. Ang lupa ay nayayanig sa harap nila, ang langit ay nanginginig. Ang araw at ang buwan ay nagdidilim at ang mga bituin ay nawawalan ng kanilang kaningningan. Pinatutunog ng PANGINOON ang kanyang tinig sa unahan ng kanyang hukbo; sapagkat ang kanyang hukbo ay napakalaki, siya na nagsasagawa ng kanyang salita ay makapangyarihan. Sapagkat ang araw ng PANGINOON ay dakila at kakilakilabot; sinong makakatagal? “Gayunma'y ngayon,” sabi ng PANGINOON, “manumbalik kayo sa akin nang inyong buong puso, na may pag-aayuno, at may pagtangis, at pagdadalamhati. At punitin ninyo ang inyong mga puso at hindi ang inyong mga damit.” Manumbalik kayo sa PANGINOON ninyong Diyos; sapagkat siya'y mapagbiyaya at mahabagin, hindi magagalitin, at sagana sa tapat na pag-ibig at nalulungkot sa kasamaan. Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, at malulungkot, at mag-iiwan ng isang pagpapala sa likuran niya, ng handog na butil at handog na inumin sa PANGINOON ninyong Diyos?
Basahin JOEL 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOEL 2:4-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas