Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Ako'y nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing kayo'y aking naaalala, na laging nananalanging may kagalakan sa bawat panalangin ko para sa inyong lahat, dahil sa inyong pakikibahagi sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, mula nang unang araw hanggang ngayon. Ako'y panatag sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa ay siyang magtatapos nito hanggang sa araw ni Jesu-Cristo.
Basahin FILIPOS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: FILIPOS 1:2-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas