Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

FILIPOS 2:4-9

FILIPOS 2:4-9 ABTAG01

Huwag tingnan ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling kapakanan, kundi ang kapakanan ng iba. Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na na kay Cristo Jesus din naman, na siya, bagama't nasa anyo ng Diyos, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi hinubaran niya ang kanyang sarili at kinuha ang anyong alipin na naging katulad ng tao. At palibhasa'y natagpuan sa anyo ng tao, siya'y nagpakababa sa kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus. Kaya siya naman ay itinaas ng Diyos, at siya'y binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan