Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

FILIPOS 4:13-23

FILIPOS 4:13-23 ABTAG01

Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan niyang nagpapalakas sa akin. Gayunman ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian. At kayong mga taga-Filipos, nalalaman naman ninyo, na nang pasimula ng ebanghelyo, nang ako'y umalis sa Macedonia, wala ni isang iglesya na nakipagkaisa sa akin sa pagbibigay at pagtanggap kundi kayo lamang; sapagkat kahit ako'y nasa Tesalonica ay nagpapadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan. Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumarami para sa inyo. Ngunit mayroon ako ng lahat ng bagay at sumasagana; ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo na mabangong samyo, isang handog na kaaya-aya at kalugud-lugod sa Diyos. At pupunuan ng aking Diyos ang bawat kailangan ninyo ayon sa kanyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Ngayon, nawa'y sumaating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. Batiin ninyo ang bawat banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko. Binabati kayo ng lahat ng mga banal, lalung-lalo na ng mga kasambahay ni Cesar. Sumainyo nawang espiritu ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo.