Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 136:1-26

MGA AWIT 136:1-26 ABTAG01

O magpasalamat kayo sa PANGINOON; sapagkat siya'y mabuti; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman. O magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman. Ang Panginoon ng mga panginoon ay inyong pasalamatan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na tanging gumagawa ng mga dakilang kababalaghan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na sa pamamagitan ng unawa ay ginawa ang kalangitan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na gumawa ng mga dakilang tanglaw, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; ng araw upang ang araw ay pagharian, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; ng buwan at mga bituin upang ang gabi'y pamunuan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na sa mga panganay sa Ehipto ay pumaslang, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; at mula sa kanila, ang Israel ay inilabas, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; sa pamamagitan ng malakas na kamay at ng unat na bisig, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na sa Dagat na Pula ay humawi, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; at sa gitna nito ang Israel ay pinaraan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; ngunit nilunod si Faraon at ang kanyang hukbo sa Pulang Dagat, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na pumatnubay sa kanyang bayan sa ilang, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na sa mga dakilang hari ay pumatay, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman, at sa mga bantog na hari ay pumaslang, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; kay Sihon na hari ng mga Amorita, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; at kay Og na hari ng Basan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; at ang kanilang lupain bilang pamana'y ibinigay, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; isang pamana sa Israel na kanyang tauhan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman. Siya ang nakaalala sa atin sa ating mababang kalagayan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; at iniligtas tayo sa ating mga kaaway, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng laman, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman. O magpasalamat kayo sa Diyos ng kalangitan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.