Ibigay mo, O Diyos, sa hari ang iyong mga katarungan, at sa anak ng hari, ang iyong katuwiran. Nawa'y hatulan niya na may katuwiran ang iyong bayan, at ang iyong dukha ng may katarungan! Ang mga bundok nawa'y magtaglay ng kasaganaan para sa bayan, at ang mga burol, sa katuwiran! Kanya nawang ipagtanggol ang dukha ng bayan, magbigay ng kaligtasan sa mga nangangailangan, at ang mapang-api ay kanyang durugin! Sila nawa'y matakot sa iyo habang ang araw ay nananatili, at kasintagal ng buwan, sa buong panahon ng mga salinlahi! Siya nawa'y maging gaya ng ulan na bumabagsak sa damong tinabas, gaya ng ambon na dumidilig sa lupa. Sa kanyang mga araw nawa'y lumaganap ang matuwid, at ang kapayapaan ay sumagana, hanggang sa mawala ang buwan. Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula sa dagat hanggang sa kabilang dagat, at mula sa Ilog hanggang sa mga dulo ng lupa! Ang mga naninirahan sa ilang nawa sa kanya ay magsiyukod, at himuran ng kanyang mga kaaway ang alabok! Ang mga hari nawa ng Tarsis at ng mga pulo ay magdala sa kanya ng mga kaloob; ang mga hari nawa sa Sheba at Seba ay magdala ng mga kaloob! Lahat nawa ng mga hari ay magsiyukod sa harap niya, lahat ng mga bansa ay maglingkod sa kanya! Sapagkat kanyang inililigtas ang nangangailangan kapag ito'y nananawagan, ang dukha at ang taong walang kadamay. Siya'y maaawa sa mahina at nangangailangan, at ililigtas ang buhay ng mga nangangailangan. Sa panggigipit at karahasan, buhay nila'y kanyang tutubusin; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kanyang paningin.
Basahin MGA AWIT 72
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 72:1-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas