Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 9

9
Ang Pagkahirang ng Diyos sa Israel
1Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo; hindi ako nagsisinungaling, ito'y pinatotohanan ng aking budhi sa pamamagitan ng Espiritu Santo,
2na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na kirot sa aking puso.
3Sapagkat mamagalingin ko pang ako ay sumpain at mawalay kay Cristo alang-alang sa aking mga kapatid, na aking mga kamag-anak ayon sa laman.
4Sila'y#Exo. 4:22 mga Israelita, na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagtanggap sa kautusan, at ang pagsamba at ang mga pangako;
5sa kanila ang mga patriyarka, at sa kanila nagmula ang Cristo ayon sa laman, na siyang nangingibabaw sa lahat, Diyos na maluwalhati magpakailanman. Amen.
6Subalit hindi sa ang salita ng Diyos ay nabigo. Sapagkat hindi lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel;
7ni#Gen. 21:12 hindi rin dahil sila'y binhi ni Abraham ay mga anak na silang lahat, kundi, “Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.”
8Samakatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Diyos, kundi ang mga anak ng pangako ay siyang itinuturing bilang binhi.
9Sapagkat#Gen. 18:10 ito ang salita ng pangako, “Sa mga ganito ring panahon ay darating ako, at magkakaroon si Sarah ng isang anak na lalaki.”
10At hindi lamang iyon; kundi gayundin kay Rebecca nang siya'y naglihi sa pamamagitan ng isang lalaki, na si Isaac na ating ama.
11Sapagkat bagaman ang mga anak ay hindi pa isinisilang, at hindi pa nakakagawa ng anumang mabuti o masama, (upang ang layunin ng Diyos ay manatili alinsunod sa pagpili,
12na#Gen. 25:23 hindi sa pamamagitan ng mga gawa, kundi doon sa tumatawag) ay sinabi sa kanya, “Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata.”
13Gaya#Mal. 1:2, 3 ng nasusulat,
“Si Jacob ay aking minahal,
ngunit si Esau ay aking kinasuklaman.”
14Ano nga ang ating sasabihin? May kawalang-katarungan ba sa Diyos? Huwag nawang mangyari.
15Sapagkat#Exo. 33:19 sinasabi niya kay Moises,
“Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan,
at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan.”
16Kaya ito ay hindi ayon sa kalooban o pagsisikap ng tao, kundi ayon sa habag ng Diyos.
17Sapagkat#Exo. 9:16 (LXX) sinasabi ng kasulatan kay Faraon, “Dahil sa layuning ito, ay itinaas kita, upang aking maipakita sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangalan ay maipahayag sa buong lupa.”
18Kaya nga siya'y may awa sa kanyang maibigan, at kanyang pinagmamatigas ang puso ng sinumang kanyang maibigan.
Ang Poot at Habag ng Diyos
19Kaya't sasabihin mo sa akin, “Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagkat sino ang makakasalungat sa kanyang kalooban?”
20Ngunit,#Isa. 29:16; 45:9 sino ka, O tao, na makikipagtalo sa Diyos? Sasabihin ba ng bagay na hinubog doon sa humubog sa kanya, “Bakit mo ako ginawang ganito?”
21O wala bang karapatan ang magpapalayok sa luwad, upang gumawa mula sa iisang limpak ng isang sisidlan para sa marangal na gamit at ang isa'y para sa pangkaraniwang gamit?
22Ano nga kung sa pagnanais ng Diyos na ipakita ang kanyang poot, at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, ay nagtitiis na may pagtitiyaga sa mga kinapopootan niya#9:22 Sa Griyego ay sisidlan ng poot. na inihanda para sa pagkawasak;
23upang maipakilala niya ang kayamanan ng kanyang kaluwalhatian sa mga kinaaawaan,#9:23 Sa Griyego ay sisidlan ng awa. na kanyang inihanda nang una pa para sa kaluwalhatian,
24maging sa atin na kanyang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi mula rin sa mga Hentil?
25Gaya#Hos. 2:23 naman ng sinasabi niya sa Hoseas,
“Tatawagin kong ‘aking bayan’ ang hindi ko dating bayan;
at ‘minamahal’ ang hindi dating minamahal.”
26“At#Hos. 1:10 mangyayari, na sa lugar na kung saan ay sinabi sa kanila, ‘Kayo'y hindi ko bayan,’
doon sila tatawaging ‘mga anak ng Diyos na buháy.’”
27At#Isa. 10:22, 23 (LXX) si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, “Bagaman ang bilang ng mga anak ng Israel ay maging tulad ng buhangin sa dagat, ang nalalabi lamang ang maliligtas:
28sapagkat mabilis at tiyak na isasagawa ng Panginoon ang kanyang salita sa lupa.”
29At#Isa. 1:9 (LXX) gaya ng sinabi nang una ni Isaias,
“Kung hindi nag-iwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo,
tayo'y naging katulad sana ng Sodoma,
at naging gaya ng Gomorra.”
Ang Israel at ang Ebanghelyo
30Ano nga ang ating sasabihin? Ang mga Hentil na hindi nagsumikap sa katuwiran ay nagkamit ng katuwiran, samakatuwid ay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya;
31ngunit ang Israel na nagsusumikap sa katuwiran sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi nakaabot sa pagsunod sa kautusang iyon.
32Bakit? Sapagkat hindi nila pinagsikapan iyon batay sa pananampalataya, kundi batay sa mga gawa. Sila'y natisod sa batong katitisuran,
33gaya ng nasusulat,
“Tingnan ninyo,#Isa. 28:16 (LXX) inilalagay ko sa Zion ang isang batong ikabubuwal at batong katitisuran,
at ang sumasampalataya sa kanya'y hindi malalagay sa kahihiyan.”

Kasalukuyang Napili:

MGA TAGA ROMA 9: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in