Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 34

34
Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. #1 Sam. 21:13. Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.
1Aking pupurihin #Ef. 5:20. ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
2Ang aking kaluluwa ay maghahambog #Awit 69:30; Luc. 1:46. sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
3Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
4 # Mat. 7:7. Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
5Sila'y nagsitingin sa kaniya, at #Is. 60:5. nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
6Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
7 # Ex. 23:20, 23. Ang anghel ng Panginoon ay #Gen. 23:2; Zac. 9:8. humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
8 # 1 Ped. 2:3. Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
# Awit 2:12. Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
9Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10Ang mga #Job 4:10, 11. batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
# Awit 37:25. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
11Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 # 1 Ped. 3:10-12. Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi #1 Ped. 2:22. sa pagsasalita ng karayaan.
14 # Awit 37:27; Job 28:28. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
# Rom. 14:19; Heb. 12:14. Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 # Job 36:7; Awit 33:18. Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 # Jer. 44:11. Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
# Job 18:17. Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18Ang Panginoon ay malapit #Awit 51:17; 147:3; Is. 61:1. sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 # 2 Tim. 3:11, 12. Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
# Juan 19:36. Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 # Awit 71:23. Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 34: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in