MGA AWIT 4
4
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa #Hab. 3:19. Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
1Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 #
Ef. 4:26. Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
#
Awit 64:6. Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 #
Awit 31:16; 80:3, 7, 19. Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
#
Is. 9:3. Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7Ikaw ay naglagay ng #Awit 3:5. kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 #
Awit 84:3. Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 4: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982