Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 5

5
Panalangin upang ipag-adya sa masama. Sa Pangulong manunugtog; pati ng Nehiloth. Awit ni David.
1Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,
Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
2Dinggin mo ang tinig ng aking daing, #Awit 84:3. Hari ko, at Dios ko;
Sapagka't #Awit 65:2. sa Iyo'y dumadalangin ako.
3Oh Panginoon, #Awit 88:13. sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig;
Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
4Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:
Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
5Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:
Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
6Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga #Awit 4:2; Apoc. 21:8. kabulaanan:
# Awit 55:23. Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
7Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;
# 1 Hari 8:29, 30; Awit 137:7. Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
8 # Awit 25:5. Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
9Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na #Rom. 3:13. libingan;
Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap #Awit 35:2. na gaya ng isang kalasag.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 5: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in