Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 61

61
Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.
1Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
2Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
# Kaw. 18:10. Matibay na moog sa kaaway.
4 # Awit 91:4. Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 # Awit 63:11; 91:4. Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob #Awit 40:11; Kaw. 20:28. at katotohanan, upang mapalagi siya.
8Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
# Awit 50:14. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 61: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in