MGA AWIT 62
62
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.
1Sa #Awit 33:20. Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
2Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang #Awit 37:24. aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
3Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
#
Is. 30:13. Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
4Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, #Awit 28:3. nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
5Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
6Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; #tal. 2. hindi ako makikilos.
7 #
Jer. 3:23. Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
8Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
#
1 Sam. 1:15; Awit 42:4; Panag. 2:19. Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
9 #
Awit 39:5; Rom. 3:4. Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
#
Job 31:25; Awit 52:7; Luc. 12:15; 1 Tim. 6:17. Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11Ang Dios ay nagsalitang #Job 33:14. minsan,
Makalawang aking narinig ito;
#
Apoc. 19:1. Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang #Awit 26:16. kagandahang-loob:
Sapagka't #Job 34:11; Jer. 30:19; Mat. 16:27; Rom. 2:6; Ef. 6:8; Col. 3:25; 1 Ped. 1:17; Apoc. 22:12. ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 62: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982