Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Cronica 7

7
Ang Lipi ni Isacar
1Ang mga anak ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron. 2Ang mga anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila'y magigiting na mandirigma at mga pinuno ng kanilang sambahayan ayon sa talaan ng lahi ng kanilang ama. Ang mandirigma nila noong panahon ni David ay umabot sa 22,600. 3Ang anak ni Uzi ay si Izrahias at ang mga anak naman nito ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias. Ang limang ito ay mga pinuno rin. 4Ang kanilang mga angkan ay may 36,000 mandirigma, sapagkat mas marami silang asawa't mga anak na lalaki. 5Ang mga mandirigma sa lipi ni Isacar ay umaabot sa 87,000.
Ang mga Lipi nina Benjamin at Dan
6Ang mga anak ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael. 7Sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri naman ang mga anak ni Bela. Sila'y mga pinuno ng kanilang sambahayan at pawang mga mandirigma. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 22,034. 8Ang mga anak naman ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet. 9Sila'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 20,200. 10Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak naman ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar. 11Ang magkakapatid na ito'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang mandirigma nila'y umaabot sa 17,200. 12Ang mga Supamita at Hupamita ay buhat sa lahi ni Ir. Ang mga anak ni Dan ay si Husim at ang angkan ni Aher.
Ang Lipi ni Neftali
13Ang mga anak ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Sallum. Buhat sila sa lahi ni Bilha. 14Ito naman ang mga anak ni Manases sa asawa niyang Aramea: Azriel at Maquir na ama ni Gilead. 15Ikinuha ni Maquir ng asawa sina Hupim at Supim. Ang pangalan ng kapatid niyang babae ay Maaca. Ang pangalawang anak ni Maquir ay si Zelofehad. Babae namang lahat ang anak nito. 16Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagkaanak ng lalaki, at ito'y pinangalanan niyang Peres. Ang sumunod ay si Seres. Dalawa naman ang naging anak nito, sina Ulam at Requem. 17Ang anak ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga angkan ni Gilead na anak ni Maquir at apo ni Manases. 18Ang kapatid niyang babae ay si Hamolequet na ina nina Ishod, Abiezer at Mahla. 19Ang mga anak naman ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.
Ang Lipi ni Efraim
20Ito ang mga sumunod na salinlahi ni Efraim: si Sutela na ama ni Bered na ama ni Tahat. Si Tahat ang ama ni Elada na ama ni Tahat. Siya ang 21ama ni Zabad na ama ni Sutela. Anak din niya sina Ezer at Elad na pinatay ng mga taga-Gat nang tangkain nilang nakawin ang kawan ng mga tagaroon. 22Matagal itong ipinagluksa ni Efraim kaya't inaliw siya ng kanyang mga kapatid. 23Ngunit naglihi muli ang kanyang asawa, at lalaki naman ang naging anak. Beria#23 BERIA: Sa wikang Hebreo, ang pangalang ito'y kasintunog ng salitang “sa panahon ng kasawian”. ang ipinangalan niya rito dahil sa kasawiang inabot nila. 24Nagkaanak pa siya ng isang babae at pinangalanan niyang Seera. Ito ang nagtayo ng lunsod ng Beth-horon Ibaba, ng Beth-horon Itaas at ng Uzenseera. 25Anak din niya si Refa na anak ni Resef. Anak ni Resef si Tela at anak naman nito si Tahan na ama ni Ladan. 26Anak ni Ladan si Amihud na ama ni Elisama. 27Anak ni Elisama si Nun na ama ni Josue. 28Ang lupaing sakop nila ay ang Bethel, at sa dakong silangan ay ang Naaran. Sa kanluran naman ay ang Gezer, Shekem at Gaza, kasama ang lahat ng mga bayang nasasakop ng mga ito. 29Subalit ang Beth-sean, Megido, Dor at ang mga bayang nasa paligid ng mga ito ay sakop ng lipi ni Manases. Dito nanirahan ang mga angkan ni Jose na anak ni Jacob.
Ang Lipi ni Asher
30Ang mga anak ni Asher ay sina Imna, Isva, Isvi, Berias. Si Sera lang ang babae. 31Ang mga anak naman ni Berias ay sina Heber at Malquiel na ama ni Birzavit. 32Si Heber ang ama nina Jaflet, Somer, Jotam. Si Sua lang ang kapatid nilang babae. 33Ang mga anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat. 34Ang mga anak naman ni Somer ay sina Ahi, Rohga, Jehuba at Aram. 35Ang mga anak ng kapatid niyang si Helem ay sina Zofa, Imna, Seles at Amal. 36Ang mga anak ni Zofa ay sina Suah, Harnefer, Sual, Beri, Imra, 37Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran at Beera. 38Ang mga anak ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara. 39Ang mga anak ni Ulla ay sina Ara, Haniel at Rizia. 40Lahat ng ito'y buhat sa lipi ni Asher na mga pinuno ng kani-kanilang sambahayan at kilalang mga mandirigma. Ang kawal nila'y umaabot sa 26,000.

Kasalukuyang Napili:

1 Mga Cronica 7: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in