Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Cronica 8

8
Ang Lipi ni Benjamin
1Si Bela ang panganay na anak ni Benjamin, si Asbel ang pangalawa, at si Ahara ang pangatlo. 2Ang pang-apat ay si Noha, at si Rafa ang panlima. 3Ang mga anak naman ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud, 4Abisua, Naaman, Ahoa, 5Gera, Sefufan at Huram. 6Ang mga anak naman ni Ehud ang ginawang pinuno ng mga angkang naninirahan sa Geba. Ngunit napilitang lumipat sa Manahat sina 7Naaman, Ahias at Gera na nanguna sa kanila na siya ring ama nina Uza at Ahihud. 8Si Saaraim ay nagkaanak sa lupain ng Moab, matapos niyang paalisin ang dalawa niyang asawang sina Husim at Baara. 9Ito ang mga anak niya kay Hodes: sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam; 10Jeuz, Sachia at Mirma. Ang mga anak niyang ito ay naging mga pinuno ng kani-kanilang sambahayan. 11Ang mga anak niya kay Husim ay sina Abitob at Elpaal. 12Ang mga anak ni Elpaal ay sina Eber, Misam at Semed. Si Semed ang nagtatag ng mga lunsod ng Ono at Lod at mga nayon nito.
Ang Angkan ni Benjamin sa Gat at Ayalon
13Anak din ni Elpaal sina Berias at Sema na mga pinuno ng sambahayan sa Ayalon. Sila ang nagpalayas sa mga mamamayan ng Gat. 14Anak ni Beria sina Ahio, Sasac at Jeremot, 15sina Zebadias, Arad, Adar, 16Micael, Ispa at Joha.
Ang Angkan ni Benjamin sa Jerusalem at Gibeon
17Sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber, 18Ismerai, Izlia at Jobab ay mga anak naman ni Elpaal. 19Sina Jaquim, Zicri, Zabdi, 20Elienai, Zilletai, Eliel, 21Adaya, Beraya at Simrat ay mga anak naman ni Simei. 22Mga anak naman ni Sasac sina Ispan, Eber, Eliel, 23Abdon, Zicri, Hanan, 24Hananias, Elam, Anatotias, 25Ifdaya at Penuel. 26Sina Samserai, Seharia, Atalia, 27Jaaresias, Elias at Zicri ay mga anak naman ni Jeroham. 28Lahat sila'y kabilang sa listahan ng mga angkan bilang pinuno ng sambahayan at mga pinunong nakatira sa Jerusalem.
29Si Jeiel ang nagtatag ng bayan ng Gibeon at doon siya nanirahan. Ang asawa niya'y si Maaca. 30Ang panganay nilang anak ay si Abdon at ang sumunod ay sina Sur, Kish, Baal, Nadab, 31Gedor, Ahio, Zequer 32at Miclot, ama ni Simea. Sila'y nanirahang kasama ng kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem, katapat ng iba nilang angkan.
Ang Angkan ni Haring Saul
33Si Ner naman ang ama ni Kish na ama ni Saul. Anak ni Saul sina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal. 34Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica. 35Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36Anak ni Ahaz si Joada at mga anak naman nito sina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza. 37Anak ni Moza si Binea na ama nina Rafa, Elasa at Azel. 38Anim ang anak ni Azel, sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan. 39Si Esec na kapatid ni Azel ay may mga anak din. Ang panganay niya ay si Ulam at ang mga sumunod ay sina Jeus at Elifelet. 40Ang mga anak ni Ulam ay magigiting na mandirigma at mahuhusay gumamit ng pana. Ang mga anak at apo niya'y umaabot sa 150. Lahat sila'y buhat sa lipi ni Benjamin.

Kasalukuyang Napili:

1 Mga Cronica 8: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in