Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang panaghoy kong ito tungkol sa inyo: Nabuwal ang Israel at di na makakabangon. Nakahandusay siya at sa kanya'y walang tumutulong. Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Sa sanlibong kawal na inatasan ng isang lunsod, iisang daan ang makakabalik; sa sandaan namang inatasan ng isa pang lunsod, ang makakabalik ay sampu na lamang.” Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel: “Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay; huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong; huwag kayong pumunta doon sa Beer-seba, sapagkat ang mga taga-Gilgal ay tiyak na mabibihag, at ang Bethel ay mawawalang kabuluhan.”
Basahin Amos 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Amos 5:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas