Sa labi ng may unawa matatagpuan ang karunungan, ngunit sa likod ng isang mangmang, pamalo ang kailangan. Ang taong matalino'y nag-iimpok ng karunungan, ngunit ang salita ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan. Ang kayamanan ng mayama'y matibay niyang tanggulan, ngunit ang kahirapan ng yagit ay kanyang kapahamakan. Ang kinikita ng matuwid ay nagbibigay-buhay, ngunit ang sa masama, winawaldas sa kasamaan. Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw.
Basahin Mga Kawikaan 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 10:13-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas