Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 27

27
1Huwag#San. 4:13-16. ipagyayabang ang araw ng bukas, pagkat di mo alam kung anong magaganap.
2Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.
3Ang bato ay mabigat, ang buhangin ay may timbang, ngunit mas mabigat ang kaguluhang dulot ng kamangmangan.
4Ang galit ay mabagsik, ang poot ay mabangis, ngunit ang pagseselos ay may ibayong lupit.
5Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala.
6May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.
7Ang taong busog ay tatanggi kahit sa pulot-pukyutan, ngunit sa taong gutom, matamis kahit ang ampalaya.
8Ang taong lumayas sa kanyang tahanan, tulad ng ibong sa pugad ay lumisan.
9Ang langis at pabango'y pampasigla ng pakiramdam ngunit ang kabalisaha'y pampahina ng kalooban.
10Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan, ni ang kaibigan ng iyong magulang. Kung ikaw ay nagigipit, huwag sa kapatid lalapit. Higit na mabuti ang kapitbahay na malapit, kaysa isang malayong kapatid.
11Magpakatalino ka, anak, upang ako'y masiyahan at sa gayo'y di ako mapahiya sa nangungutya man.
12Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.
13Kunin mo ang kasuotan ng sinumang nananagot para sa iba, at siya ang pagdusahin mo dahil sa pag-ako sa di niya kilala.
14Ang pahiyaw na pagbati bilang panggising sa kaibigan ay para nang sumpang binibitiwan.
15Nakakayamot ang asawang masalita tulad ng ulan na ayaw tumila. 16Mahirap siyang patigilin, para kang dumadakot ng langis o pumipigil sa hangin.
17Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.
18Ang nag-aalaga sa punong igos ay makakakain ng bunga niyon; ang aliping may malasakit ay pararangalan naman ng kanyang panginoon.
19Kung paanong ang mukha ay nalalarawan sa tubig, sa kilos naman nahahalata ang iniisip.
20Ang nasa ng tao'y walang katapusan, tulad ng libingan, laging naghihintay.
21Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak, ngunit ugali ng tao ay makikilala sa gawa araw-araw.
22Bayuhin mang parang bigas ang isang taong mangmang, hindi rin maaalis ang kanyang kamangmangan.
23Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan. 24Di mamamalagi ang yaman, ganoon din ang mga nasa kapangyarihan. 25Putulin muna ang dayami, saka gapasin ang damo sa parang habang hinihintay ang susunod na anihan. 26Sa mga tupa kinukuha ang ginagawang kasuotan, at ang pinagbentahan mo ng iyong kambing ay maaaring ipambili ng bukid. 27Ang gatas ng inahing kambing ay sa ibang kailangan, sa pagkain ng pamilya mo't mga katulong sa bahay.

Kasalukuyang Napili:

Mga Kawikaan 27: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in