Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodo 15:1-21

Exodo 15:1-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para kay Yahweh: “Itong si Yahweh ay aking aawitan, sa kanyang kinamtang dakilang tagumpay; ang mga kabayo't kawal ng kaaway, sa pusod ng dagat, lahat natabunan. Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. Siya'y aking Diyos na aking pupurihin, Diyos ng aking ama, aking dadakilain. Siya'y isang mandirigma; Yahweh ang kanyang pangalan. “Mga karwahe't kawal ni Faraon, sa dagat ay kanyang itinapon, sa Dagat na Pula nailibing, mga pinunong Egipcio na pawang magagaling. Sa malalim na dagat sila'y natabunan, tulad nila'y batong lumubog sa kailaliman. Ang kanang kamay mo, Yahweh'y makapangyarihan, dinudurog nito ang mga kaaway. Sa dakila mong tagumpay, nilulupig ang kaaway; sa matinding init ng iyong poot, para silang dayaming tinutupok. Nang hipan mo ang dagat, tubig ay tumaas, parang pader na tumayo, kailalima'y tumigas. Wika ng kaaway, ‘hahabulin ko sila't huhulihin, kayamanan nila'y aking sasamsamin, at sa tabak kong hawak, sila'y lilipulin.’ Ngunit sa isang hinga mo Yahweh, sila'y nangalunod, parang tinggang sa malalim na tubig ay nagsilubog. “Ikaw Yahweh, sino sa mga diyos ang iyong kagaya? Sa kabanala'y dakila at kamangha-mangha, sa mga himala'y di mapantayan, sa kababalaghan ay di matularan? Nang iyong iunat ang kanan mong kamay, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway. Sa iyong katapatan, bayan mong tinubos ay inakay, tungo sa lupang banal, sila'y iyong pinatnubayan. Maraming bansa ang dito'y nakarinig, at sa takot sila'y nagsipanginig; doon sa lupain ng mga Filisteo, nasindak ang lahat ng mga tao. Mga pinuno ng Edom ay nangagimbal; matatapang sa Moab sa takot ay sinakmal, mga nakatira sa lupain ng Canaan, lahat sila'y naubusan ng katapangan. Takot at sindak ang sa kanila'y dumatal, para silang bato na hindi makagalaw, nang kapangyarihan mo'y kanilang namalas, nang dumaan sa harap nila ang bayang iyong iniligtas. Sila'y dadalhin mo, Yahweh, sa sarili mong bundok. Sa dakong pinili mo upang maging iyong lubos, doon sa santuwaryong ikaw ang nagtayo at tumapos. Ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanpaman.” Ang mga Israelita'y hinabol nga ng mga kawal ng Faraon sakay ng mga kabayo at mga karwahe. Nang ang mga kawal ay nasa gitna na ng dagat, muling pinaagos ni Yahweh ang tubig at natabunan ng alon ang mga kawal ng Faraon. Samantala, ang mga Israelita'y tumawid sa tuyong lupa. Pagkatapos, kumuha ng tamburin si Miriam, ang babaing propeta na kapatid ni Aaron. Tinugtog niya ito at nagsayawan ang mga babae na mayroon ding mga tamburin. Habang sila'y nagsasayaw, ganito ang inaawit ni Miriam: “Purihin si Yahweh sa kanyang dakilang tagumpay; itinapon niya sa dagat ang mga karwahe't ang nakasakay.”

Exodo 15:1-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

Umawit si Moises at ang mga Israelita ng awit sa PANGINOON: “Aawitan ko ang PANGINOON dahil lubos siyang nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito. Ang PANGINOON ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya. PANGINOON ang kanyang pangalan, isa siyang mandirigma. Itinapon niya sa dagat ang mga karwahe at mga sundalo ng Faraon. Nalunod ang pinakamagagaling na opisyal ng Faraon sa Dagat na Pula. Nalunod sila sa malalim na tubig; lumubog sila sa kailaliman katulad ng isang bato. “Dakila ang kapangyarihan nʼyo, O PANGINOON; sa pamamagitan nito, dinurog nʼyo ang inyong mga kaaway. Sa inyong kapangyarihan, ibinagsak nʼyo ang mga kumakalaban sa inyo. Ipinadama nʼyo sa kanila ang inyong galit na siyang tumupok sa kanila na parang dayami. Sa isang ihip nʼyo lang, nahati ang tubig. Ang dumadaluyong na tubig ay nahati at tumayo na parang pader; natuyo ang malalim na dagat. Sinabi ng nagyayabang na kaaway, ‘Hahabulin ko sila at huhulihin; paghahati-hatiin ko ang kanilang mga kayamanan at bubusugin ko nito ang aking sarili. Bubunutin ko ang aking espada at lilipulin sila.’ Pero sa isang ihip nʼyo lang, nalunod sila sa dagat. Lumubog sila sa kailaliman kagaya ng tingga. O PANGINOON, sino po ba ang dios na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay! Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway. “Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas. Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan. Maririnig ito ng mga bansa at manginginig sila sa takot. Lubhang matatakot ang mga Filisteo. Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot, at ang mga pinuno ng Canaan ay hihimatayin sa takot. “Tunay na matatakot sila. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos, hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O PANGINOON. Dadalhin nʼyo ang mga mamamayan ninyo sa inyong lupain, at ilalagay nʼyo sila sa bundok na pagmamay-ari ninyo – ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O PANGINOON, ang templong kayo mismo ang gumawa. Maghahari kayo, O PANGINOON magpakailanman.” Tinabunan ng PANGINOON ng tubig ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon matapos na makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. Kumuha ng tamburin si Miriam na propeta at kapatid ni Aaron, at pinangunahan niya ang mga babae sa pagtugtog ng tamburin at pagsayaw. Inawit ni Miriam ang awit na ito sa kanila: “Umawit kayo sa PANGINOON dahil lubos siyang nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.”

Exodo 15:1-21 Ang Biblia (TLAB)

Nang magkagayo'y inawit ni Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi, Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati: Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat. Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking kaligtasan: Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama, at siya'y aking tatanghalin. Ang Panginoo'y isang mangdidigma: Panginoon ang kaniyang pangalan. Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat; At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula. Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila: Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na parang isang bato. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway. At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo: Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang dayami. At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang tubig, Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton; Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat. Sinabi ng kaaway, Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam, Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila; Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay. Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat. Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig. Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan? Iyong iniunat ang iyong kanang kamay, Nilamon sila ng lupa. Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong tinubos: Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila sa banal mong tahanan. Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig: Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia. Nang magkagayo'y natulig ang mga pangulo sa Edom; Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila: Lahat ng taga Canaan ay nauubos. Sindak at gulat ang suma-sakanila; Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na parang bato; Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon, Hanggang sa makaraan ang bayang ito na iyong kinamtan. Sila'y iyong papapasukin, at sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana, Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan, Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay. Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man. Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron, ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan. At sila'y sinagot ni Miriam, Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.

Exodo 15:1-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para kay Yahweh: “Itong si Yahweh ay aking aawitan, sa kanyang kinamtang dakilang tagumpay; ang mga kabayo't kawal ng kaaway, sa pusod ng dagat, lahat natabunan. Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. Siya'y aking Diyos na aking pupurihin, Diyos ng aking ama, aking dadakilain. Siya'y isang mandirigma; Yahweh ang kanyang pangalan. “Mga karwahe't kawal ni Faraon, sa dagat ay kanyang itinapon, sa Dagat na Pula nailibing, mga pinunong Egipcio na pawang magagaling. Sa malalim na dagat sila'y natabunan, tulad nila'y batong lumubog sa kailaliman. Ang kanang kamay mo, Yahweh'y makapangyarihan, dinudurog nito ang mga kaaway. Sa dakila mong tagumpay, nilulupig ang kaaway; sa matinding init ng iyong poot, para silang dayaming tinutupok. Nang hipan mo ang dagat, tubig ay tumaas, parang pader na tumayo, kailalima'y tumigas. Wika ng kaaway, ‘hahabulin ko sila't huhulihin, kayamanan nila'y aking sasamsamin, at sa tabak kong hawak, sila'y lilipulin.’ Ngunit sa isang hinga mo Yahweh, sila'y nangalunod, parang tinggang sa malalim na tubig ay nagsilubog. “Ikaw Yahweh, sino sa mga diyos ang iyong kagaya? Sa kabanala'y dakila at kamangha-mangha, sa mga himala'y di mapantayan, sa kababalaghan ay di matularan? Nang iyong iunat ang kanan mong kamay, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway. Sa iyong katapatan, bayan mong tinubos ay inakay, tungo sa lupang banal, sila'y iyong pinatnubayan. Maraming bansa ang dito'y nakarinig, at sa takot sila'y nagsipanginig; doon sa lupain ng mga Filisteo, nasindak ang lahat ng mga tao. Mga pinuno ng Edom ay nangagimbal; matatapang sa Moab sa takot ay sinakmal, mga nakatira sa lupain ng Canaan, lahat sila'y naubusan ng katapangan. Takot at sindak ang sa kanila'y dumatal, para silang bato na hindi makagalaw, nang kapangyarihan mo'y kanilang namalas, nang dumaan sa harap nila ang bayang iyong iniligtas. Sila'y dadalhin mo, Yahweh, sa sarili mong bundok. Sa dakong pinili mo upang maging iyong lubos, doon sa santuwaryong ikaw ang nagtayo at tumapos. Ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanpaman.” Ang mga Israelita'y hinabol nga ng mga kawal ng Faraon sakay ng mga kabayo at mga karwahe. Nang ang mga kawal ay nasa gitna na ng dagat, muling pinaagos ni Yahweh ang tubig at natabunan ng alon ang mga kawal ng Faraon. Samantala, ang mga Israelita'y tumawid sa tuyong lupa. Pagkatapos, kumuha ng tamburin si Miriam, ang babaing propeta na kapatid ni Aaron. Tinugtog niya ito at nagsayawan ang mga babae na mayroon ding mga tamburin. Habang sila'y nagsasayaw, ganito ang inaawit ni Miriam: “Purihin si Yahweh sa kanyang dakilang tagumpay; itinapon niya sa dagat ang mga karwahe't ang nakasakay.”

Exodo 15:1-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nang magkagayo'y inawit ni Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi, Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati: Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat. Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking kaligtasan: Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama, at siya'y aking tatanghalin. Ang Panginoo'y isang mangdidigma: Panginoon ang kaniyang pangalan. Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat; At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula. Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila: Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na parang isang bato. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway. At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo: Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang dayami. At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang tubig, Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton; Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat. Sinabi ng kaaway, Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam, Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila; Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay. Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat. Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig. Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan? Iyong iniunat ang iyong kanang kamay, Nilamon sila ng lupa. Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong tinubos: Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila sa banal mong tahanan. Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig: Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia. Nang magkagayo'y natulig ang mga pangulo sa Edom; Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila: Lahat ng taga Canaan ay nauubos. Sindak at gulat ang sumasakanila; Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na parang bato; Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon, Hanggang sa makaraan ang bayang ito na iyong kinamtan. Sila'y iyong papapasukin, at sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana, Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan, Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay. Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man. Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron, ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan. At sila'y sinagot ni Miriam, Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.