Genesis 17:18-27 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Genesis 17:18-27 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
At sinabi niya sa Diyos, “Bakit hindi na lang po si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo sa akin?” Kaya't sumagot ang Diyos, “Hindi; ang asawa mong si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki at tatawagin mo siyang Isaac. Makikipagtipan ako sa kanya at sa kanyang lahi magpakailanman. Tungkol naman kay Ismael, ipagkakaloob ko ang kahilingan mo: Pagpapalain ko siya at pararamihin ko rin ang kanyang lahi. Magkakaanak siya ng labindalawang prinsipe, at magiging bansang makapangyarihan ang kanyang salinlahi. Ngunit ang aking tipan sa iyo ay matutupad kay Isaac, na isisilang ni Sara sa isang taon, sa ganito ring panahon.” Pagkasabi nito, nilisan ng Diyos si Abraham. Nang araw ring iyon, ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham si Ismael at lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, maging ang aliping ipinanganak doon o binili. Si Abraham ay siyamnapu't siyam na taon na nang tuliin, si Ismael naman ay labingtatlo. Tinuli sila sa parehong araw, at noon ding araw na iyon tinuli ang kanyang mga alipin.
Genesis 17:18-27 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sinabi niya sa Diyos, “Kung ganoon po ang mangyayari, nawaʼy pagpalain nʼyo po ang anak kong si Ismael.” Sumagot ang Diyos, “Oo, ngunit ang asawa mong si Sara ay manganganak ng lalaki at papangalanan mo siyang Isaac. Sa kanya ko ipagpapatuloy ang kasunduan ko sa iyo, at magpapatuloy ang kasunduang ito sa mga lahi niya magpakailanman. Tungkol naman kay Ismael, narinig ko ang kahilingan mo para sa kanya. Pagpapalain ko siya at bibigyan ng maraming lahi. Magiging ama siya ng labindalawang pinuno, at ang mga lahi niya ay magiging mga tanyag na tao. Subalit ang kasunduan ko sa iyo ay tutuparin ko lang kay Isaac. Ipapanganak ni Sara si Isaac sa ganito ring panahon sa susunod na taon.” Umalis ang Diyos pagkatapos niyang sabihin kay Abraham ang mga ito. Sa mismong araw na iyon, tinupad ni Abraham ang iniutos sa kanya ng Diyos. Tinuli niya ang anak niyang si Ismael at ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan: ang mga aliping isinilang sa tahanan niya at ang mga aliping binili niya. Si Abraham ay siyamnapuʼt siyam na taóng gulang nang tuliin siya, at si Ismael naman ay labingtatlong taóng gulang na. Sa mismong araw na iyon ay tinuli si Abraham at ang kanyang anak na si Ismael. At ang lahat ng mga alipin niya na isinilang sa sambahayan niya at binili niya sa mga dayuhan ay tinuli rin.
Genesis 17:18-27 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
At sinabi niya sa Diyos, “Bakit hindi na lang po si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo sa akin?” Kaya't sumagot ang Diyos, “Hindi; ang asawa mong si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki at tatawagin mo siyang Isaac. Makikipagtipan ako sa kanya at sa kanyang lahi magpakailanman. Tungkol naman kay Ismael, ipagkakaloob ko ang kahilingan mo: Pagpapalain ko siya at pararamihin ko rin ang kanyang lahi. Magkakaanak siya ng labindalawang prinsipe, at magiging bansang makapangyarihan ang kanyang salinlahi. Ngunit ang aking tipan sa iyo ay matutupad kay Isaac, na isisilang ni Sara sa isang taon, sa ganito ring panahon.” Pagkasabi nito, nilisan ng Diyos si Abraham. Nang araw ring iyon, ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham si Ismael at lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, maging ang aliping ipinanganak doon o binili. Si Abraham ay siyamnapu't siyam na taon na nang tuliin, si Ismael naman ay labingtatlo. Tinuli sila sa parehong araw, at noon ding araw na iyon tinuli ang kanyang mga alipin.
Genesis 17:18-27 TLAB (Ang Biblia)
At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo! At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya. At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking pararamihin ng di kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, at siya'y gagawin kong malaking bansa. Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating. At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham. At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya. At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama. At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama. Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak. At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.
Genesis 17:18-27 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))